Ikadalawampu't siyam na kabanata

40 5 82
                                    

C A S E Y  D E  L E O N

Kahit na natatakot, ipinagpatuloy ko ang pagpunta sa kakayuhan para mag-igib ng tubig doon sa kaloob-loobang parte. Sinabi ni Ma'am Fiona na wala raw delikadong hayop ay mas maliit ang kakahuyan sa paaralang ito kumpara sa tunay na forest. Pero may malinis daw na bukal doon kung saan pwedeng kumuha ng tubig.

Dapat nga isang pitsel lang ang kukunin ko pero sinabihan ako ni Ma'am Fiona na 'wag daw madamot. Dalawang timba tuloy ang pinadala sa akin bilang parusa at bawal daw akong magsama ng kahit na sino. Malay ko bang kailangan din nila ng tubig. Hindi naman sila nagsasabi. Tss.

Alas tres pa lang ng hapon pero medyo makulimlim na ang bahagi ng paaralang ito dahil sa malalaking mga puno na tumatakip dito. Malamig ang simoy ng hangin at sariwa ang hangin, malayo sa temperatura sa syudad kung saan mainit at mausok.

Ang ganda sanang tumambay rito kung wala akong dala-dalang dalawang malaking timba. Bwisit.

Akala ko ba may magic at espesyal ang school na 'to? Bakit kailangan pa naming mag-igib para lang magkaroon ng tubig? Ang labo!

Aanhin pa nila yung time, soul, at iba pang keeper ng perlas kung mas high tech pa yung international schools at ibang local schools kaysa rito? Tsk.

"Just gonna stand there and watch me burn~" pagkanta ko habang naglalakad papasok sa kaloob-looban ng mala-gubat na lugar na ito. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkanta dahil natatakot ako. Wala kasi akong kasama tapos hapon na.

Ilang minuto pa lang akong naglalakad nang makarinig ako ng malakas na pag-agos ng tubig sa bandang kanang. Sigurado akong nandoon ang talon at malinis na tubig. Nakita ko naman sa bandang kaliwa ang malinis na bukad na sigurado akong pinagkukunan ng tubig. Finally.

Nang masilayan ko na ang malinis na tubig mula sa taas pababa ng maliit na bundok, nawala ang lahat ng pagod ko. Worth it naman pala ang pagpunta ko rito.

Simula pa lang, hatalang kakaiba ang paaralang ito. Noong nagtanong ako kay Lola Shanta at medyo malabo ang sagot niya, naramdaman kong may tinatago siya. Isa pa, basahan lang ang binebenta niya kaya nagtataka ako kung bakit maayos ang bahay namin at hindi kami gaanong naghihirap.

Binitawan ko ang dalawang timba at nagmamadaling tumakbo palapit sa bukal para magsalok ng tubig at uminom. Nakakauhaw.

Pagkatapos kung punuin ng tubig ang palad ko, ininom ko ito habang nakatingin sa tubig. Malinaw ito at halatang malinis. Kitang-kita rin ang mga bato na nasa ilalim. Hindi maikakailang malaki ito pero isang bahagi lang ang nakikita ko.

Umupo ako sa harap nito para magpahinga saglit. Hindi naman gaanong malayo ang nilakad ko pero ramdam ko ang matinding pagod.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Ang payapa ng lugar na ito, nakakakalma ng isip. Sinabayan pa ng maliliit na tunog mula sa mga insekto at ibon, pati ang tunog ng mga tila kumakaway na dahon na ang sarap pakinggan.

Huminga ako nang malalim at ibinalik ang tingin sa malinis na tubig. Malinaw ito pero hindi ko makita ang repleksyon ko. Sa halip, mga bato sa ilalim ng tubig ang nakikita ko.

Kahit na hindi ko makita ang sarili ko sa tubig, hindi ito naging hadlang para pagnilayan ko ang naging buhay ko bago ako mapadpad dito. Wala namang espesyal sa akin pero bakit ako napunta sa ganitong paaralan? Bukod kay Alvaro, may iba pa kayang dahilan kung bakit nila ako pinili? At anong kinaibahan ko sa ugali ni Kane?

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, ngayon lang ako napagod para makuha ang pangangailangan ko. Alam kong simple lang ito kumpara sa ginagawa ng iba pero malaking bagay na ito para sa akin.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now