Kabanata LVII: Ang tagapagmana ng trono

27 4 84
                                    

IKALIMAMPU'T PITONG KABANATA: ANG TAGAPAGMANA NG TRONO

T H I R D  P E R S O N  P O V

Natahimik at napatayo ang halos lahat ng tao nang matisod at matumba ang isang dalaga habang tumatakbo sa running track. Si Casey. 

Sa sobrang bilis ng pagtakbo niya kanina,  hindi niya namalayan ang isang batong nakaharang sa dinaraanan niya. Natisod siya at gumulong-gulong hanggang sa mapunta sa bandang gilid. Hinawakan niya ang kaniyang tuhod at ininda ang sakit sa bukong-bukong.

"Casey!" tarantang sigaw ng kaniyang mga kaibigan na nanonood ng paligsahan at magkakasama sa unang row. Kahit na gusto nilang tumulong ay wala silang nagawa dahil isa sa mga paalala na binanggit bago magsimula ang paligsahan ay bawal makialam hangga't hindi pa natatapos ang laban.

Napatigil sina Sandra at Charmaine sa pagtakbo nang marinig ang pangalan ni Casey at napalingon sa kilalulugaran niya. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa at nagkatinginan.

Hindi nag-atubiling bumalik si Charmaine sa pwesto ni Casey upang alamin ang kalagayan nito. Lumuhod siya sa harap nito para pumantay. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang balikat nito.

"Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong at kinuha ang kaliwang braso ni Casey para higitin paupo. Hindi iti sumagot at nanatiling nakaupo habang nangingilid ang luha sa mga mata. Nakakunot din ang pawisan nitong noo at nanginginig ang katawan at halatang nahihirapan.

Sa kabilang banda, nabato si Sandra sa kinatatayuan at pinanood ang dalawa.

"I am close to the finish line," bagsak na balikat na bulong ni Sandra. Ilang metro na lang ang natitira bago siya makarating sa finish line dahil pangalawang lap na niya ito. Medyo malayo ang distansya sa pagitan nila ni Charmaine kanina na pumapangalawa sa laban kaya halatang siya na ang panalo kung magtutuluy-tuloy siya sa pagtakbo.

Mabilis ang pintig ng puso ni Sandra. Mabigat na ang kaniyang paghinga at nanuyo ang lalamunan dahil sa sitwasyon. Kinuyom niya ang kaniyang kamao at nagtiim ng bagang. Hating-hati ang isip niya kung babalik ba siya para tulungan ang kaibigan o  mauuna munang pumunta sa finish line para matapos na ang lahat. 

Sumulyap siya sa kaniyang ina na isa sa mga nakaupo sa bandang unahan, sa tabi ni Blue Shanaya. Nakatingin din ito sa kaniya at seryoso ang ekspresyon at hinihintay ang gagawin niya. Kinagat niya ang kaniyang labi at tinitigan ito na tila ba humihingi ng payo sa kung anong dapat na gawin. 

Dahang-dahang ngumiti si Scarlett at tumango bago tumingin kay Casey na ngayon ay nakatayo na at nakapatong ang balikat kay Charmaine. Napakunot ang noo ni Sandra at sinundan ito ng tingin para intindihin ang nais ipahiwatig ng kaniyng ina.

'What does she mean by that?'

•••
C A S E Y  D E  L E O N

"Casey!" rinig kong sigaw ng ilang mga tao nang bumagsak ako. Pero kahit narinig ko sila, pinili kong manatiling nakapikit habang iniinda ang mga galos na natamo ko sa braso at paa, lalo na sa bukong-bukong.

Bakit ba kasi binilisan ko ang takbo kahit malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ako mananalo?! Kainis!

Hindi ko na napigilan ang pag-iyak dahil sa sobrang sakit ng bukung-bukong ko. Nang matumba ako sa semento, saka lang ako nakaramdam ng matinding pagod at hingal sa pagtakbo. Ang gusto ko na lang ngayon matapos na ang lahat at mahiga magdamag.

Hindi ko na kaya.

Sa lahat ng nangyari sa akin, may isang taong pumasok sa isip ko. Si Alvaro.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant