Kabanata LIX: Ang nagwagi sa paligsahan

15 3 89
                                    

IKALIMAMPU'T SIYAM NA KABANATA: ANG NAGWAGI SA PALIGSAHAN

C A S E Y  D E  L E O N

Nakatitig ako sa panyong binigay sa akin ni Lola Shanta bago ako pumunta sa paaralang ito. Sabi ni Lola Shanta lotus daw ang tawag dito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung para saan 'to at kung anong ibig nitong sabihin. Gusto ko sana 'tong gamitin pero masyado 'tong maganda para lang ipamunas sa pawis.

Lola Shanta.

She acted like our mother since we were a kid. She's a pure-hearted woman who knows nothing but to provide our needs, in all aspects. I still can't believe what Kuya Nicholai said. She won't do that. Isa pa, mas kilala ko siya kaysa kay Kuya Nicholai kaya hindi malabong sinisiraan niya lang si lola.

Pero bakit naman siya magsisinungaling?

Wala akong nakikitang matinong rason para gawin niya iyon.

"Sa susunod na linggo magaganap ang recognition o pagtatapos niyo. Pagkatapos no'n ay maaari na kayong bumalik sa normal," sambit ni Ma'am Fiona pero hindi ko pinansin dahil lumilipad pa rin ang isip ko sa naging usapan namin ni Kuya Nicholai kaninang umaga.

Pinatawag kami ngayon sa faculty room sa kadahilanang sasabihin na raw nina Ma'am Fiona ang nanalo sa paligsahan at ang susunod naming mga aktibidad sa akademya. Nandito rin ang buong faculty staff na humahawak sa klase namin. Sina Sir Jorge, Sir Daryl, Ma'am Benilda, at Sir Gelo.

"What about the pearls? What are we going to do with it? At paano po kung may mangyaring masama kapag biglang sumalakay si Regina?"

"Pag-uusapan pa natin 'yan sa susunod. Ang layunin lang ng paaralang ito ay maghanap ng karapat-dapat na tagapagmana at turuan ng mabubuting asal ang mga mag-aaral. Wala sa misyon namin ang ihanda kayo sa pisikal na labanan."

Paano kung bigla kong tanungin si Alvaro nang hindi siya nakapaghanda? Mahuhuli ko kaya kung nagsisinungaling siya o nagsasabi ng totoo?

"Bago ang lahat, nais ko muna kayong batiin sa ipinamalas niyong husay sa bawat paligsahan. Isaisip niyo na hindi man kayo nagwagi, mayroon naman kayong natutuhan. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. At isa pa, hindi sa paligsahan natatapos ang inyong buhay at hindi roon nasusukat ang inyong halaga." Pumalakpak silang lahat at nakita ko ang ngiti sa kanilang mga labi. Samantalang napadpad naman ang isipan ko sa ginawang pandaraya ni Sandra.

Paano kaya kung komprontahin ko muna siya? Parang wala naman kaming pinagsamahan kapag dumiretso agad akong magsumbong kay Ma'am Fiona.

"Casey. Casey." Napakislot ako nang may biglang tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Jace na nakatingin sa akin habang nakaturo ang isang kamay kay Ma'am Fiona.

"H-Ha?"

"You're spacing out. Tinatawag ka ni binibini."

"P-Po?"

"Sino sa palagay mo ang nanalo?"

"A-Ahm..." Lumingon ako sa lahat ng taong nandito. Nakatingin silang lahat sa akin at nag-aabang ng susunod kong sasabihin.

Sino nga ba?

Kung hindi kami binalikan ni Sandra, malamang hindi na ako magdadalawang-isip na piliin si Charmaine. At kung hindi ko alam na siya talaga ang dapat na mamuno, siguro ay sarili ko ang ituturo ko kahit na natalo ako sa paligsahan. Ayaw kong ipagkatiwala sa iba ang trono, eh. Pero nandaya si Sandra...

"Kahit sino po...?" hindi siguradong sagot ko at nagkamot ng ulo.

"Salamat sa pagsagot," aniya at ngumiti bago tumingin sa aming lahat, "ang nanalo sa paligsahan ay si Charmaine." Pagbanggit ng pangalang Charmaine, naalerto ako at nagkatinginan kami ni Alexis.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now