Kabanata X: Ang pagdakip

65 5 101
                                    

IKASAMPUNG KABANATA: ANG PAGDAKIP

C A S E Y  D E   L E O N

"Casey, gusto mong puntahan ang kapatid mo?" biglang tanong sa akin ni Kuya Nicholai habang umiinom ako ng alak. Nanlaki ang mga mata ko at ibinaba ang basong hawak ko. Napangiti ako nang malapad at tumingin sa kaniya, na nasa tabi ko sa kaliwa. Si Charmaine ang nasa tabi ko sa kanan.

"Good idea!" pagpalakpak ko.

"Pero kailangan na nating pumunta sa school," pagkontra ni Kane na nasa tabi niya sa kaliwa.

"Sus, paniguradong wala pa roon si Sir Daryl. Filipino time nga, 'di ba?" pagbibiro ko at tumawa.

"Pero--"

"Sige, ako nalang ang sasama kay Casey. Pwede na kayong pumunta sa school," ani ni Kuya Nicholai at ngumiti kay Kane para mapanatag ang loob niya. Tiwala rin naman siguro si Kane sa kaniya dahil matagal na kaming magkakakilala at mabait naman si Kuya Kane.

Noong una ay parang nag-aalangan pa siya pero sa huli ay pumayag din. Nagpaalam na sila sa amin bago tumalikod.

Hindi ko mapigilang mapasimangot dahil sa selos na nararamdaman. Ang hirap namang pigilan, lalo na kung alam mong close sila ng pinagseselosan mo at pareho ang turing niya sa inyo.

"Tara na," nakangiting saad ni Kuya Nicholai at niyaya akong maglakad papunta sa court. Walking distance lang naman.

Halos sampung minuto nalang bago mag-7 PM pero nandito pa rin kami ngayon sa kalsada ni Kuya Nicholai habang naglalakad papuntang school. Mapuno ang bahaging ito at walang gaanong dumaraang sasakyan kapag gabi kaya nakakatakot maglakad nang mag-isa rito. Buti nalang at kasama ko si Kuya Nicholai.

Natagalan kami dahil dumaan kami sa covered court kanina, kung nasaan si ate. Maayos pa rin ang lagay niya hanggang ngayon at masaya raw siya sa kinaroroonan niya. Hindi niya nagawang magkwento sa akin tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya pero ako ang nagkwento sa kaniya.

Ikinuwento ko sa kaniya kanina ang lahat ng nangyari at kung anong meron sa 'Keepers Academy', pangalan ng paaralang pinapasukan namin ngayon. Pati ang mga ginawa ni Alvaro ay kinuwento ko rin at wala siyang ibang ginawa kundi tumawa. Naiinis man dahil alam kong inaasar niya ako, mas nangibabaw pa rin sa akin ang tuwa dahil nandito pa rin siya. Alam kong bawal magkwento sa kahit na sino pero kapatid ko naman siya kaya mapapagkatiwalaan siya.

Sa paglalakad namin ni Kuya Nicholai papuntang school, biglang may dumaang van sa gilid namin at tumigil sa harapan namin. Bago pa man ako makapagsalita, bumukas ang dalawang pinto nito na nakaharap sa gawi namin at bumaba na ang mga sakay nito at tumingin sa amin ni Kuya Nicholai. Isang grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng sando at maluwag na damit. Parang mga gangster na ewan.

"S-Sino sila, kuya?" kinakabahan kong tanong at humawak sa braso niya. Hindi gaanong malamig ang panahon pero hindi ko maiwasang lamigin dahil sa takot na nararamdaman. Hindi ko alam kung praning ako pero nakakatakot talaga ang awra nila. Apat silang lalaki at puro maselan. Ang isa sa kanila ay may hawak na panyo at ang isa naman ay may hawak na kahoy.

"Stay behind me," ani ni Kuya Nicholai at itinaas ang kaniyang kamao. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita kung natatakot siya o hindi.

Can he do it? He's also a guardian, right?

Walang sali-salitang sumugod kay Kuya Nicholai ang mga lalaki at pinaulanan siya ng suntok na nagawa niyang iwasan. Wala siyang gamit na kahit anong armas. Tanging kamao, braso, at paa lang ang ginagamit niya para salagin ang atake ng mga kalaban. Kinuyom ko ang kamao ko habang matalim na nakatingin sa mga lalaki walang awa at patuloy na sumusugod sa kaniya nang sabay-sabay.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now