Kabanata LXVIII: Pagkatapos ng kaguluhan

22 2 59
                                    

***

IKAANIMNAPU'T WALONG KABANATA: PAGKATAPOS NG KAGULUHAN

T H I R D  P E R S O N  P O V

"Casey!" sigaw ng magkakaibigan nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanila ang kaibigang si Casey. Nakasuot pa rin ito ng baro at maong na shorts pero mas maayos na ang kalagayan kahit papaano. Magaling na ang mga galos at sugat nito sa katawan at nakalugay na ang buhok. 

Napaangat ang tingin ni Casey at hinanap ang pinagmulan ng boses. Nabuhayan siya ng loob nang makitang nasa maayos na kalagayan ang kaniyang mga kaibigan.

"Guys!" naiiyak niyang sigaw at inangat ang magkabilang braso para salubungin sila ng mainit na yakap. Hindi pa man sila nagtatanong kung kumusta na siya pero nag-unahan nang tumulo ang luha sa mga mata niya. This is what she needs right now,  their presence and a comforting hug.

Sinamahan siya ni Rhiannon sa kinalulugaran nina Charmaine at ng iba pang mga mag-aaral. Hindi pa sila pinahintulutang bumalik sa mundo ng mga mortal dahil hindi pa tapos ang school year. Pagkarating, iniwan muna siya saglit si Rhiannon sa kanila. 

Sina Alvaro at Ignacio naman ay sumama sa kay Rhiannon para manghingi ng update sa mga gurong naiwan kasama ang mga mag-aaral. Habang wala silang tatlo, ang mga guro ang naatasang magbantay at magpanatili ng kapayapaan at seguridad. Mayroon din silang mga gwardiya mula pa noong isang araw at sila ang naatasang lumaban kapag may sumugod mula sa kampo ni Regina. Sa kabutihang palad, nagawa nilang depensahan ang pansamantalang tirahan na ginawa ni Rhiannon para sa mga mag-aaral. Wala ito sa mortal world pero malayo rin sa akademya kaya't hindi sila natunton ng kalaban.

"Nasaan si Sandra?" bungad na tanong ni Blue Shanaya at lumingon sa bandang likuran ni Casey para tanawin kung may kasama siya. Hawak niya ang isang baso na may lamang tubig na kanina pa iniinuman dahil sa kaba. Narinig pa lang ni Casey ang pangalan ng kaibigan  ay nagtuluy-tuloy na ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Ayaw nitong magpaawat kaya hindi siya nakapagsalita at umiling-iling na lamang.

Nabitawan ni Blue Shanaya ang hawak na baso at napatakip ng bibig. Sa tingin niya'y alam niya ang nais ipahiwatig ng kaibigan. Mabilis siyang pumunta sa harap ni Casey para direktang makausap.

"P-Please tell me s-she's fine," nanginginig niyang tanong at mahigpit na humawak sa balikat nito. Yumuko lang si Casey at umiling habang patuloy na umiiyak. Nabitawan siya ni Blue Shanaya at napaluhod sa sahig. Lumubog ang puso nito sa masamang balitang hatid ni niya.

"B-Bakit kayo ganiyan? A-Anong meron?" kinakabahang tanong ni Charmaine at pumagitna sa kanilang dalawa. Naramdaman niya ang mabigat na atmospera kaya kinutuban siya ng masama.

Hindi nagsalita ang dalawa kaya napagpasyahan ng magkakaibigan na alalayan sila paupo sa sofa. Si Kane ang umalalay kay Casey, samantalang sina Jace at Nimrod naman kay Lulu. Tahimik na nakasunod ang iba pa at pinakiramdaman ang mga kasamahan.

Pinalipas muna nila ang ilang minuto para kumalma at ayusin ang sarili. Pero noong magsasalita na ay naiyak ulit.

"Anong nangyari kay Sandra? Ayos lang naman siya 'di ba? Nailigtas niya rin tayo," paniniguro ni Charmaine at pilit na ngumiti. Kahit na masama ang kutob niya, pilit niya itong iwinaksi hangga't wala pang kinukumpirma.

"I knew it. The probability of winning is less than the probability of losing," mabigat na loob na sambit ni Blue Shanaya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Kane at bumaling kay Blue Shanaya.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now