Kabanata VII: Ang panaginip

65 4 71
                                    

IKAPITONG KABANATA: ANG PANAGINIP

C A S E Y   D E   L E O N

Samu't saring liwanag ang nakikita ko pagmulat ng aking mga mata. Sumulyap ako sa paligid at kumunot ang noo ko nang makita ang napakaraking tao na nakapalibot sa isang babae. Parang hindi sila ordinaryong tao, parang katulad ni Alvaro.

Guardians?

May hawak-hawak silang iba't ibang maliliit na bato na parang perlas. Parang ninakaw lang nila ito sa kawawang babae na nakasuot ng puting baro't saya at ngayon ay nakasalampak sa sahig at halatang walang kalaban-laban.

Wala pang ilang segundo ay biglang binalot ng itim na usok kapaligiran at ang mga bituin na kumikislap sa paligid ay nawala. Binalot ako ng matinding takot nang maramdaman ko ang init mula sa itim na usok. Tila sinusunog nito ang katawan ko at hindi na rin ako makahinga.

Lumingon ako sa paligid para humingi ng tulong ngunit mas nagulat ako sa nasaksihan. Nakita ko ang mga kaibigan kong walang malay at walang kalaban-laban. At nandoon din ako!

Paanong...?

Kabado kong inangat ang mga kamay ko para tingnan kung totoo ba ako o kaluluwa. Lalong nangunot ang noo ko at kinapa ang katawan ko. Totoong-totoo.

Anong nangyayari?

Natuon ang atensyon ko sa paligid. Malabo ang paningin ko dahil sa pakapal na pakapal na usok kaya hindi ko na gaanong makita ang sitwasyon.

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at kinakapos ako ng hininga. Parang nalalason ako dahil sa itim na usok na nalalanghap ko.

Fvck.

Agad akong napamulat at napabalikwas sa kama dahil sa bigat ng pakiramdam. Pawis na pawis ang noo hanggang leeg ko at hinabol ko ang aking hininga. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang kwarto na tinulugan ko kahapon.

Hinawakan ko ang dibdib ko at nakahinga ako nang maluwag.

Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat.

Hanggang sa pagligo ko ay hindi ko pa rin makalimutan ang napanaginipan ko. Parang totoong-totoo kasi kaya natatakot ako.

Mangyayari ba iyon sa hinaharap?

"Wala ka na bang itatagal d'yan, ate?" pagkatok sa pinto ni Jennie, room mate namin. Nagmadali akong nagbanlaw ng katawan gamit ang tabo at pagkatapos ay pinulupot ang twalya sa katawan. Ni hindi ko na nga tinuyo ang buhok ko dahil sa sobrang pagmamadali. Nakakahiya naman sa kanila.

Nang matapos ko ang paliligo, nagbihis agad ako ng komportableng damit at lumabas ng banyo. Pumasok dito si Jennie at naligo na rin.

Akala ko noong una ay kaming tatlo lang nina Sandra at Alexis ang magkakasama sa room, may iba pa pala. Mas bata sila kaysa sa amin pero mukhang mas responsable sila. Mukhang matagal na rin silang nag-aaral dito.

Tungkol saan ba talaga 'tong organization?

Alas-otso na ng umaga at alas-nuebe pa ang klase pero nandito malapit na kaming pumasok. Ganito talaga ako kapag first day, sa mga unang araw ng pasukan lang. Samantalang nasa kalagitnaan na ng school year sina Jennie at Hera, mga kasama namin sa room, pero ganoon pa rin ang oras ng pagpasok nila. Maaga pa rin.

"Saan ang room natin mamaya?" tanong ko habang kumukuha ng pandesal na nakahain sa lamesa. Base sa schedule,  Additional subject at Values lang ang klase namin ngayong araw.

"Ang alam ko, pupunta rito yung mga guardian natin para sunduin tayo at tingnan ang lagay natin," ani ni Alexis habang isinasawsaw ang pandesal sa gatas at nakapatong ang kanang braso sa tuhod. 

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now