Ikatatlumpu't limang kabanata

35 3 92
                                    

C A S E Y D E L E O N

10:30 PM

Nagsama-sama kami ngayong magkakaklase habang nakaupo at nakapalibot sa isang bonfire. Huling araw na ngayon ng training at bukas na magaganap ang unang paligsahan. Hindi ko man alam kung handa na ako, alam kong wala na akong magagawa kaya bahala na.

Kaninang 8 PM, isa-isang kinatok ni Ma'am Fiona ang mga room para sabihin sa amin na pumunta kami sa field ng 10:15 PM. Pagkarating namin ay nadatnan namin sina Alvaro at Kuya Nicholai na nakaupo sa lapag at tahimik na pinapanood ang bonfire. Sinabi rin niya sa amin na pupunta kami roon dahil may mahalaga silang sasabihan na makakatulong sa gagawin namin bukas.

Sabay-sabay kaming lahat na pumunta sa field at saktong pag-upo namin ay tumahimik kaming lahat. Maski ang bawat galaw namin ay ingat na ingat para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Tanging panggatong na kahoy at mga tuyong dahon lang na nasusunog ang naririnig namin.

Malamig ang panahon ngayon pero hindi ko gaanong ramdam dahil sa init na nagmumula sa bonfire. Ang tanging lamig lang na nararamdaman ko ay ang lamig sa loob ng katawan ko na dulot ng matinding kaba.

Awkward silence.


Muli kong naramdaman ang mabigat na atmospera sa pagitan naming magkakaklase. Excluding Guardians (Alvaro and Kuya Nicholai), Nimrod, and Aya, masasabing kaibigan ko ang lahat ng nandito pero sa ngayon ay hindi na halata. Inoobserbahan namin ang kilos ng bawat isa. Kahit yata ang paghinga ay nabibilang na rin dahil sa sobrang pagkaburyo.

"Bakit po kami nandito?" pagbasag ni Charmaine sa katahimikan.

"Finally, may nagsalita rin sa inyo. Akala ko ay matatapos ang gabing 'to na napanis ang laway niyo, eh," biro ni Kuya Nicholai at mahinang tumawa. Kinalabit niya si Alvaro na nasa tabi niya at pagkatapos ay itinuro kami.

"Uy, anong gusto mong sabihin sa kanila?" kaswal na tanong nito at ngumisi. Kabaligtaran ng ekspresyon niya ang kay Alvaro na ngayon ay walang emosyon. Kumbaga mas mukhang mature si Alvaro kumpara kay Kuya Nicholai.

"Lagi ninyong isaisip ang mga natutunan niyong pag-uugali. Tandaan niyo ring hindi nasusukat ang galing ng isang tao sa kaalaman lamang," seryosong saad nito habang naka-indian sit at nakapatong ang mga kamao sa magkabilang tuhod.

"Very inspiring," pagpalakpak ni Kuya Nicholai at ngumisi, "yet boring. Wala ka talagang sense of humor 'no?"

Hindi sumagot si Alvaro.

"Alam kong 'yun ang ipinunta niyo rito pero pwede ba kayo mag-chill kahit kaunti? Nakakatakot ang awra niyo, eh. Parang hindi mga bata," pagbaling sa amin ni Kuya Nicholai. Muli kaming nagkatinginang lahat. Wala na yata kaming gagawin dito kundi tingnan ang isa't isa.

"Hey, guys! Why are you like that? Sa huling pagkakatanda ko bago tayo pumasok sa paaralang ito ay lagi kayong nakakabasag ng pinggan, ah," dagdag niya pa at halatang namomroblema na sa inaasta namin.

"What plate? We're not clumsy, Kuya Nich."

"'Di ba ang hindi makabasag pinggan ay tahimik? Kabaligtaran kayo ng tahimik kaya ayun," aniya at humagalpak ng tawa. Tiningnan lang namin siya at hindi sigurado kung ano ang isasagot.

"Guys, it's a joke! Tumawa naman kayo, oh." Nagkatinginan kaming lahat bago muling bumaling sa kaniya.

"Pasensya na, Kuya Nicholai. Medyo pressured lang po kami para sa paligsahan bukas."

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz