Ikatatlumpung kabanata

40 4 71
                                    

C A S E Y  D E  L E O N

Pagkatapos naming makita ni Alvaro si Kuya Nicholai sa malapit sa bukal, sinabi niya sa amin na may location tracker din daw siya. Um-oo nalang ako.

Hindi na ako nagtanong ulit at pinili ko nalang silang iwan dahil baka lalo lang akong maguluhan. Sa pagkakaalam ko, si Alvaro lang ang tagapagbantay ko pero lagi rin pumupunta si Nicholai kahit na hindi ko siya tinatawag. Hindi ko tuloy alam kung peke si Alvaro o hindi. O baka si Kuya Nicholai ang peke?

Magdamag kong inisip ang tungkol doon pero wala akong makuhang sagot. Nakakainis.

Ngayon, lumapit ako kay Ma'am Fiona kahit na may training kami ngayong araw

"Ma'am Fiona--este Bininibing Fiona, pwede po ba kitang makausap?" tanong ko habang kinikiskis ang dalawang kamay ko sa pantalon.

"Tungkol saan, iha? Hindi ba dapat ginugulong mo ang iyong oras sa pag-eensayo?" mahinahong tanong niya pabalki at pinihit ang doorknob para buksan ang pinto. Pinapasok niya ako sa loob at sumunod din siya.

Umupo kami sa magkatapat na upuan na pinagigitnaan ng lamesa.

"Tungkol lang po sa ilang mga bagay," nagdadalawang-isip kong saad at tumingin sa kaniya.

Sumeryoso ang awra niya at ipinatong ang magkabilang braso sa lamesa.

"Bago ka magtanong, maaari rin ba akong magtanong?"

"Tungkol saan po?"

"Kumusta ka naman nitong nga araw?"

"Po?"

"May bumabagabag ba sa'yo? Maaari kang magsabi ng totoo sa akin." Imbes na sumagot, bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin.

I can say what bothers me but I chose not to say it. Ang hirap magtiwala sa panahon ngayon. Kahit na mukhang maganda ang paaralang ito, alam kong may itinatago silang lihim. At sa tingin ko ay kailangan ko ring maglihim para makaligtas.

"I'm fine. I just want to ask something, ma'am." Nag-alangan siyang tumingin sa akin at suminghap din. Sumasalamin sa mga mata ko sa mata niya. Mukhang pareho kaming nahihirapan.

Bakit kaya?

Humalukipkip ako. I shouldn't care. It's not my business, anyway.

"Magtanong ka ba. Marami ka pang kailangang gawin ngayong araw. Hindi ka dapat nagsasayang ng oras."

Bumuga ako ng hangin at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Tumingin ako sa kaniya pero pinanatili ko ang seryosong mukha.

"Posible po bang dalawa ang maging tagapagbantay ng isang tao?"

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo niya at halatang hindi naiintindihan ang sinasabi ko.

"Guardians. Pwede po bang dalawa ang nagbabantay sa isang tao?"

"Hindi. Sa tanang buhay ko, wala pa akong nakikitang ganoon. Bakit mo naitanong, iha? May kilala ka bang ganoon?"

Sumikip ang dibdib ko at natulala sa loob ng ilang segundo. Yumuko ako at naramdaman ang pagbigat ng loob ko. So, peke si Kuya Nicholai? Bakit niya iyon ginagawa kung hindi naman siya ang tagapagbantay ko? Nandito siya ngayon dahil isinama siya ni Sandra at isa rin siyang guardian. Pero hindi ko alam kung sino talaga ang dapat niyang bantayan. Sino nga ba?

"Casey, may problema ba?"

Nabalik ako sa wisyo nang tawagin ako ni Ma'am Fiona.

"W-Wala," pag-iling ko at lumunok. "Wala po."

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now