Kabanata LXX: Ang pamamaalam sa akademya

40 1 57
                                    

IKAPITUMPONG KABANATA: ANG PAMAMAALAM SA AKADEMYA

C A S E Y  D E  L E O N

Malamig ang gabi sa Keepers Academy kaya nagsuot ako ng jacket ngayon. Nakatambay ako sa paborito kong tambayan, sa gilid ng field, habang nilalanghap ang sariwang hangin. Kahapon pa kami nakabalik dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa mga nangyari. Hindi pa gaanong naaayos ang lahat ng building sa akademya kaya hindi pa kami pinapayagang pumasok sa ilang silid.

Pinagmasdan ko ang field na puno ng damo at napapalibutan ng mga puno. Noong isang araw lang ay natuyo ito at nawalan ng mga halaman kaya uminit ang temperatura. Buti na lang ay nagawa itong isaayos ni Kamahalang Rhiannon. Iba talaga ang nagagawa ng kapangyarihan niya. 

Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng jacket na isinuot ko na rin noong isang araw. Dalawa lang ang jacket ko, ang isa ay ipinantakip ko sa ulo ni Ate Wilma noong namatay siya at ang isa ay gamit ko ngayon. Muli akong suminghap at tumingala sa na kalangitan. Kapansin-pansin ang buwan at mga bituin dahil sa liwanag na taglay ng mga ito. Parang sinasabi nito sa mundong puno ng kadiliman, ang mga ito ang nagsisilbing pag-asa at nagpapaalala na kailanman ay hindi mawawala ang pag-asa. Nakakagaan sa pakiramdam.

Kung totoo man ang sinasabi nilang nagiging bituin, siguradong isa sa mga nagniningning na bituin ngayon sina Kuya Nicholai, Sandra, at Ate Wilma. I miss them so much. They must be in peace right now.

Kumunot ang noo ko nang may makapang isang maliit na bagay mula sa bulsa ng jacket ko. Inilabas ko ito at nakita ko ang isang nakatuping papel na kulay asul. Nanlaki ang mga mata ko at napatigil ako sa paghinga nang matanto kung ano 'yon. Nandito pala 'to. Nakaligtaan kong basahin. Ito ang huling alaala ni Sandra na naiwan sa akin. 

Lumunok ako at inihanda ang sarili bago buksan ang papel. Hindi ko pa man nasisimulan ang pagbabasa, nag-unahan nang tumulo ang luha ko kaya nabasa ang ilang bahagi ng papel. Gayumpaman, pinilit ko itong basahin.

Casey,

About the race, the truth is mom asked me to help you in the race. I admit that I hesitated to help you because I don't want to win. I am aware that values comes first before anything else so I purposely left you behind. Pero noong tumingin ako kay mom, tinanguan niya ako na parang nagsasabing tulungan ka. Natuwa ako no'n kasi akala ko ay bumait na siya at may pakialam siya sa'yo. Pero hindi pala. Inutos niya iyon sa pag-asang ako ang manalo sa paligsahan. Alam niya rin kasi na kailangan ng mabuting pag-uugali. But yeah, I still lost. I don't deserve the throne anyway so I'm cool with the result.

At patawad dahil ininis kita ng maraming beses. Iyon kasi ang naging paraan ko para hindi maghinala si mommy na kinakampihan ko kayo. Ang dami kong rason 'no? Pero kahit ano pa man, wala akong magagawa dahil hindi ko mababago ang katotohanang sinaktan ko kayo.

I know that it's hard for you to trust me after all I have done. Still, thank you for being my friend for years. I do hope that you'll be able to find peace in your heart.

-Your friend, Sandra

•••

Pagkalipas ang ilang buwan...

Naisaayos na ang akademya. Bumalik na sa dati ang lahat. Ang kinaibahan lang ay nabawasan ng isang estudyante, isang guardian, at isang kapamilya ko.

Ngayong araw ang pagtatapos ng lahat ng mga mag-aaral. Isinabay na rin ngayon ang araw ng koronasyon para mapanood ng lahat kung sinu-sino ang mga magmamana ng mga perlas.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon