Kabanata LIV: Ang mga batayan sa pagpili

28 4 84
                                    

IKALIMAMPU'T TATLONG KABANATA: ANG MGA BATAYAN SA PAGPILI

T H I R D  P E R S O N  P O V

Nakatungo si Casey habang nakaupo sa isang mahabang sofa at tinititigan ang tsinelas na suot niya. Hindi gaanong malamig sa faculty room kahit may mga bentilador pero ramdam niya ang malamig na pawis dulot ng kabang nararamdaman. Ni hindi rin siya makaangat ng tingin o sumulyap lamang sa mga kasamahan dahil sa hiya at pagsisisi sa gulong pinasok niya kaninang tanghali.

Hapon na at pinauwi ang mga estudyante ni Fiona kanina saglit para makaligo at makapagbihis bago pumunta sa faculty room. Nasa loob rin sina Jorge, Daryl, Benilda, at Gelo na nakaupo sa isang mahabang couch sa bandang likuran ni Fiona.

"May ideya ba kayo kung bakit ko kayo pinapunta rito?" panimula niya at kiniskis ang dalawang kamay sa hita habang nakatingin sa mga mag-aaral nasa harap niya. Lumipas ang ilang segundo at walang sumagot ni isa sa siyam. Sina Casey, Charmaine, Kane, Sandra, Jace, Blue Shanaya, Alexis, Aya, at Nimrod.

Mabigat ang paghinga nila na nakaupo sa harap ng lamesang naghihiwalay kay Fiona at sa kanila. Bilang na bilang ang bawat kilos nila habang hinihintay ang susunod na mangyayari.

Kahit na ang anim sa kanila ay magkakaibigan, tila naging estranghero ang turing nila sa isa't isa dahil walang nagkikibuan o maski nagbibiruan. Magkakatabi sila pero parang may hindi nakikitang harang na naghihiwalay sa kanila na dahilan kung bakit hindi sila nag-uusap.

Naramdaman ito ng mga guro kung kaya't tumayo sila, maliban kay Fiona, at nagpaalam na sa mga bata. Pagkatapos nito ay binuhat nila ang kanilang sari-sariling gamit at iniwan sila sa loob ng silid.

Pagkasara ng pinto, binaling ulit ni Ma'am Fiona ang tingin niya sa klaseng kaniyang hinahawakan. Hinilot niya ang kaniyang sentido at ilang beses na huminga nang malalim para kontrolin ang sarili at maiwasan ang pagbibitaw ng masasakit na salita na maaaring makaapekto sa mga bata. Hindi niya makalimutan ang pag-aaway nina Sandra at Casey na nasaksihan niya pagdating sa gymnasium. Gustuhin man niyang magalit at disiplinahin ang mga ito sa pamamagitan ng pamalo, nag-isip siya ng ibang paraan para maging kalmado ang sitwasyon. Sa tingin niya kasi ay matatanda na ang mga ito at marunong nang umunawa kapag pinagsabihan.

Isa sa mga ikinakabahala ni Fiona ay ang gawaing inatasan sa kaniya ni Rhiannon. Ang tanging pinapagawa lang sa kaniya ay bantayan ang mga bata at disiplinahin kaya wala siyang kaalam-alam tungkol sa sinasabing pagdating ni Regina sa tamang panahon. Para mabawasan ang pag-aalala, nagpapatulong siya sa kapwa guro at pati na rin kay Ignacio tungkol sa mga leksyon na dapat nilang matutuhan para makapaghanda.

"Dapat pagkatapos pa ng huling paligsahan ko 'to sasabihin sa inyo pero mukhang kailangan niyo nang matuto," ani ni Fiona at tumayo. Ipinatong niya ang kaniyang dalawang kamay sa lamesang nasa harap. Nakuha nito ang atensyon ng mga mag-aaral kung kaya't napaayos silang lahat ng upo at nabaling ang tingin sa kaniya.

"Ang layunin ng paligsahang ito ay para malaman kung sino ang karapat-dapat na magmana ng mga perlas."

"We already know that, ma'am," pahayag ni Blue Shanaya at nag-de kwatro.

"Sa bawat paligsahan ay meron kaming batayan at panuntunan sa pagpili."

"And what is that?" kaswal na tanong ni Blue Shanaya na para bang hindi guro ang kaharap.

"Manners, Blue Shanaya," paalala ni Fiona at tiningnan ang dalaga.

"I'm sorry, ma'am," ani nito at napatikom ng bibig.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now