Kabanata LIII: Ang magkakaibigan

23 4 117
                                    

IKALIMAMPU'T TATLONG KABANATA: ANG MAGKAKAIBIGAN

C A S E Y D E L E O N

"What the heck is this place?" bulalas ko habang pinagmamasdan ang madilim na silid na may patay-sinding ilaw. Malayo ito sa inaasahan kong scenario kanina bago kami pumasok ni Sandra rito. Puti ang pintong pinili namin dahil akala ko ay iyon ang pinakamaayos. Hindi pala.

Noong binuksan namin ang pinto kanina, maganda at maaliwalas ang silid dahil walang kahit anong gamit at maliwanag dahil sa chandelier na nakabukas. Pero saktong pagsara namin ng pinto, biglang namatay ang lahat ng ilaw at may lumabas na puting usok mula butas sa ilalim ng pader. Nagpatay-sindi rin ang mga ilaw at may biglang umagos na tubig mula sa ilalim ng pinto at umabot hanggang sa talampakan ang taas. Alam kong setup at ilusyon lang ang lahat pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot dahil sa kakaibang itsura ng lugar.

Idagdag pa ang nakasusulasok na amoy na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi halatang covered court ito noon dahil sa mala-haunted house na itsura ng lugar ngayon. Mabuti na lang naka-rubber shoes ako kaya kahit paano ay hindi nababasa ang paa ko at hindi ko gaanong nararamdaman ang natatapakan ko. Nakasuot din ako ng Bermuda shorts at stripped shirt kaya hindi gaanong mahirap gumalaw.

Sumulyap ako kay Sandra at likod niya lang ang nakita ko dahil nasa unahan ko siya. Ni hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya dahil hindi siya lumilingon at wala rin yata siyang balak na lingunin ako. But hey, I don't care.

Nakangiwi akong naglalakad dahil sa pandidiri sa mga natatapakan ko. Ayokong isipin kong ano talaga ang inaapakan ko pero halatang magkahalong lupa, tubig, at iba pang bagay na wala akong ideya kung ano.

"Ano ba naman 'to!" iritable kong sigaw nang makaapak ng isang madikit na bagay na nakalubog sa tubig. Hindi na ako nag-abalang alamin kung ano 'yon dahil lalo lang akong mandidiri. Kinuyom ko ang kamao ko at gigil na sumigaw para ilabas ang inis na nararamdaman. Ang malas naman!

"Ang dami mong reklamo! Ikaw nga ang malas na pumili nito!" inis na sambit ni Sandra na nasa harap ko at patuloy na naglalakad kahit walang ilaw. Lalo akong nayamot dahil sa kaniya.

"Pakialam mo?! E di sana hindi ka pumayag sa sinabi ni Kane. Tss."

"Hindi ko talaga maintindihan kung ba't ikaw ang napiling tagapagmana ng trono. You don't deserve it!" sigaw niya pabalik at lumingon. Saktong sumindi ang ilaw kaya nahagip ng paningin ko ang sama ng tingin niya sa akin.

Sa ilang sandali ay natigilan ako. Kahit na alam kong totoo ang sinabi niya, hindi ko mapigilang masaktan. Siguro dahil ipinapamukha niya sa akin na wala akong silbi.

Lumunok ako at kinuyom ang kamao ko. Pinigilan kong ipakita na naapektuhan ako sa sinabi niya. Kailangan kong maging matapang. Hindi niya dapat malaman ang kahinaan ko.

"So what? Hindi ko hinihingi ang opinyon mo dahil sa ayaw mo't sa gusto, ako pa rin ang mananalo," pang-aasar ko lalo para mandamay ng mood. Hindi pwedeng ako ang talunan sa amin. Sasamantalahin ko muna ang maling akala niya. Iyon lang naman ang mapapala ko sa lahat ng kasinungalingang ito, eh.

"Then, I'll do my best to win," matigas niyang saad habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Tila nag-aapoy ang mga mata niya dahil sa gallit sa akin. Imbes na makipagsukatan ng tingin, ngumisi ako, dahilan para lalo siyang maasar.

"Nye nye. That won't happen. Itaga mo 'yan sa bato," ani ko ang nag-belat sabay taas ng middle finger. Sumipa siya gamit ang kanang paa kaya tumalsik sa akin ang kaunting tubig. Mukhang hindi niya napansin iyon dahil tumalikod na siya pagkatapos at muling itinuloy ang paglalakad. Mabigat ang bawat hakbang niya kaya medyo tumatalsik ang iba pang tubig. Halatang-halata sa mga yabag niya na pikon siya. Nag-make face ako. Ang sarap din palang mang-asar minsan. No wonder I am not destined to be a leader.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now