Kabanata LX: Ang pagkikitang muli

21 3 81
                                    

IKAANIMNAPUNG KABANATA: ANG PAGKIKITANG MULI

C A S E Y D E L E O N

"I'll be back before you know it," paniniguro ko kay Kane at kumaway.

"Mag-iingat ka, ah. Sigurado ka bang ayaw mong magpasama? Kahit sa akin o maski kay Ginoong Alvaro?"

"Nah. I'm good." Pilit akong ngumiti at itinaas ang dalawang kilay bago nagpakawala ng buntong hininga. Wala siyang nagawa kundi pumayag at magpaalam sa akin. Sa aming lahat, si Sandra, Alexis, at ako lang ang naisipang umuwi ngayong araw.

Nang malaman kong pwede muna kaming umuwi bago maganap ang recognition, hindi na ako nagdalawang-isip na umalis. I need to breathe for a while. The air in the academy is so suffocating. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, may dalawang tao na pumasok sa isip ko. Sina Lola Shanta at Ate Wilma. I need them right now.

Dala ang isang backpack, tinahak kong mag-isa ang daan papunta sa second floor ng school building. Iyon ang nagsisilbing portal sa paaralang ito at sa mundo ng mga mortal. Nagpatulong ako kanina kay Ma'am Fiona na bumalik at agad naman siyang pumayag nang hindi nagtatanong kung bakit ako aalis.

Wala pang ilang minuto ay nag-iba na ang itsura ng labas ng silid. Hindi na ito ang hallway na nasa second floor ng school building, kundi isang maliit na field na medyo malayo sa syudad. Mabilis akong tumakbo palapit sa pintuan at binuksan ito. Wala pa rin itong pagbabago sa huli kong pagkakaalala. Mapayapa pa rin ang lugar at walang bakas ng kaguluhan bukod sa polusyon at mga basurang nagkalat sa lupa.

Tuluyan akong lumabas ng silid at isinara ang pinto. Iba na ang panlabas na itsura nito at para nang isang abandonadong silid-aralan. Confirmed. I'm back!

Kumurba pataas ang labi ko at nakaramdam ako ng pagkasabik sa pagbabalik sa mundo kung saan ako lumaki. Tumingala ako at lumanghap ng hindi gaanong kasariwang hangin. Sinulit ko ang pagtitig sa papalubog na araw na nasa harap ko. Nakaka-miss. Nakakagaan sa pakiramdam. Nakaka-miss ang sikat ng araw, ang usok, pati  na ang mataong lugar. Hindi ko inakalang mami-miss ko ang magulong syudad.

Malayo-layo ang lugar na ito sa sakayan ng mga jeep kaya wala akong pagpipilian kundi maglakad at tumakbo. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi ako nagreklamo kahit wala akong kasama. Matagal ko na kasing gustong bumalik at alam kong may saysay ang paglalakad ko ngayon.

Habang naglalakad, lumipad na naman ang isip ako tungkol sa pinagdaanan ko sa Keepers Academy. Ang paghihinala ko kina Alvaro at Kuya Nicholai, ang unti-unting pagkakawatak-watak naming magkakaibigan, at ang mga itinuturo sa akademya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan. Sana hindi na lang ako napili katulad ni Kelly para school works lang ang problema ngayon. Kumusta na rin kaya siya? 

Siguro wala pa rin siyang ideya tungkol sa pinagdaraanan namin. Kung sa akademya ay ilang buwan na ang lumipas, dito ay ilang oras pa lang. Mas mabagal kasi tumakbo ang oras dito kaysa oras doon sa akademya.

Pagkarating ko sa jeep station, sumakay ako sa jeep at umidlip. Halos kalahating oras din ang itinagal ng byahe kaya kahit papaano ay nakaidlip pa ako. Pagising-gising nga lang ako dahil sa takot na makalagpas at dahil na rin sa magkahalong sabik at kabang nararamdaman.

Pagkababa ko, naglakad pa ako ng ilan pang minuto hanggang sa matanaw ko na ang bahay mula sa 'di kalayuan. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang tuhod ko. Bigla akong nanghina. Naiisip ko pa lang na makikita ko na sila ulit ay pakiramdam ko bibigay na ako.

Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng bag ko at binilisan ang pagtakbo papunta sa bahay. Ayoko nang paghintayin ang sarili ko. Gusto ko na talagang makita sina Lola Shanta at Ate Wilma, ang pamilya ko. 

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now