W A K A S

47 2 76
                                    

T H I R D  P E R S O N  P O V

6:00 AM

Dumaan muna ang magkakaibigan na sina Casey, Charmaine, Blue Shanaya, Kane, Jace sa flower shop na pagmamay-ari ni Kamielle para bumili ng bulaklak. Napagpasyahan kasi nilang daanan ang puntod nina Sandra at Scarlett bago pumasok sa paaralan ngayong araw.

Morning glory ang napili nila dahil ayon sa nagtitinda, sinisimbolo raw ito ang affection at friendship. Habang bumibili, hindi nila naiwasang magkwentuhan tungkol sa kung anu-anong mga bagay. Isa sa mga naikwento ni Kamielle ay bukod sa pagtitinda ng mga bulaklak, isa sa mga hobby niya ang paggawa ng mga damit.

Sa kanilang magkakaibigan, kay Casey pinakamagaan ang loob niya sa 'di malamang dahilan. Sa loob ng maikling oras ay nagawa nilang maging komportable sa isa't isa. Dahil doon, bibigyan sana niya ng discount sina Casey pero tumanggi ito at sinabing worth it naman ang paninda.

"Bumisita ka ulit dito kahit 'di ka bibili ng bulaklak," pahabol na biro ni Kamielle at ngumiti bago sila umalis.

May kung anong naramdaman si Casey na hindi maipaliwanag at sinabing, "sige po. Babawi ako sa inyo."

"Nagkita na ba kami noon? Nostalgic," sa isip-isip niya pero wala siyang naalalang bumili na siya sa shop 'yon.

Maaga pa lang pero sinabihan na ng magkakaibigan si Kelly, isa pa nilang kaibigan, na makipagkita sa burol na malapit sa pinapasukan nilang paaralan.

Pagkarating pa lang ni Kelly, sinalubong agad siya ng mahigpit na yakap. Nagtaka siya noong una pero hinayaan niya na lang dahil sinabi nilang miss na siya ng mga ito.

"Anong gagawin natin? Bakit ba hindi kayo pumasok ng lagpas isang linggo? Dapat nag-community service na lang kayo tulad ko."

"'Yon pala ang naging sanction niya," sa isip-isip nila.

"We got suspended because of the bar incident.

"Eh si Jace? Hindi naman siya sumama sa atin, ah."

Napalingon silang lahat kay Jace at nagtatakang tumingin.

"I-I was with Aya at the library before. Pumasok kami sa loob kahit gabi na dahil may kailangan kaming pag-aralan. Nahuli kami."

"Weh? Seryoso?" gulat nilang tanong.

"At paano kayo nakapasok?"

"Nagpatulong kami kay Nimrod."

"Eh?" hindi makapaniwalang tanong ni Casey.

"Review buddies pala kayo," ani ni Kane, "hindi mo kami in-inform. Pero ba't parang naiinis sa'yo si Nimrod?"

"Naiinis nga. Magkaiba siguro kaki sa ugali. Baka naiinis siya sa pagiging lampa at matatakutin ko. Pero mabait naman siya."

"Yep. He has a good heart," tipid na ngiting bulong ni Blue Shanaya sa sarili na hindi napansin ng iba.

"So, bakit nga tayo nandito?" tanong ulit ni Kelly at pinasadahan ng tingin ang mga kasama. Biglang bumigat ang atmospera sa pagitan nila. Nagsalitan sila ng tingin at nagsenyasan kung sinong magsasalita.

"At nasaan si Sandra? Late ba siya?"

"P-Pupuntahan natin si Sandra," mabigat na loob na tugon ni Charmaine at humawak sa kamay ni Casey. Tinapik ni Kane ang balikat niya at tipid na nginitian.

Walking distance lang ang layo ng burol sa sementeryo kung kaya't napagpasyahan nilang maglakad. Wala pang ilang minuto ay nakarating na sila roon.

"Dito... sa sementeryo? Sino bang dadalawin natin?'

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now