Kabanata XXIII: Kakampi o kalaban?

46 5 79
                                    

IKADALAWAMPU'T TATLONG KABANATA: KAKAMPI O KALABAN?

C A S E Y  D E  L E O N

"Regina..." Nanginig ang bawat kalamnan ko nang humarap na ako sa kaniya. Katulad noong isang araw, nakasuot siya ng itim na baro't saya at puno ng porselas ang katawan. Itim na itim din ang kulay ng kaniyang mga mata, senyales na ginagamit niya ang kapangyarihan niya. May maitim ding usok na nakapalibot sa kaniya.

Madilim na ang kalangitan at walang tao sa paligid na sigurado akong siya ang may pakana.

Darn!

Humawak ako sa bandang leeg ko at lalo akong natakot nang hindi ko maramdaman ang necklace. 

Noong nalaman ko na iyon ang gamit na location tracker ni Alvaro, tinatanggal ko na iyon minsan kapag ayokong may makahanap sa akin kung sakali. Tulad kaninang tanghali, gusto kong mapag-isa kaya tinanggal ko ang anklet at kwintas na lagi kong sinusuot. Wrong timing naman!

"'Pagkat ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakataong  makausap ka, pormal na akong magpapakilala sa'yo. Tawagin mo akong kamahalan." Halos mapataas ang kilay ko sa sinabi niya.

Fvck, ang kapal ng mukha niya.

Kahit natatakot ako sa kaniya, hindi ko pa rin rin maiwasan mainis dahil sa kakapalan ng mukha niya. Wala akong maasahan ngayon kaya kailangan kong tumayo sa sarili kong paa.

Tumikhim ako at pinilit ayusin ang boses. 

"Y-You're not worthy to be called that so dream on," nagtatapang-tapangan kong saad at nag-chin up para pantayan ang tingin niya. Ngumisi siya sa akin, dahilan para magtindigan ang mga balahibo ko. 

"Matapang ka pala," mukha siyang namamangha sa tono ng pananalita ko, "saan mo hinugot ang iyong tapang? Sa tagapagbantay mo?"

Lumunok ako. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko at malamig kong mga kamay.

"Tila gusto ko tuloy subukin ang iyong tapang." Humakbang siya palapit at umatras naman ako. Lumingon ako sa paligid ko at sakop ng mahika niya ang kabuuan ng lugar na 'to kaya imposibleng makatakas ako. 

"Pinadakip kita upang imbitahang sumanib sa panig namin. Malakas ang kapangyarihan ng itim na mahika," itinaas niya ang dalawa niyang kamay para ipakita ang itim na bolang nabuo, "sapat na para ubusin ang mga nilalang sa Keepers Academy."

Anong gusto niyang ipahiwatig?

"Gayunpaman, naghihintay ako ng tamang oras bago umatake, may ideya ka ba kung kailan?" Bakas sa boses niya ang panunuya sa akin. Alam kong alam niya na mahina ako at walang laban sa kanila. Curse her gang.

Pinanliitan niya ako ng mata at tila kinilatis. Parang marami siyang alam tungkol sa akin. 

"Nabalitaan ko na ikaw ang tagapagmana ng trono." Napaayos ako nang tayo at nanlaki ang mga mata dahil sa narinig. May traydor talaga sa amin? Is it Alvaro? Narinig niya ang usapan namin dahil sinabi na niya sa akin ang totoo di ba? Fvck. Wag naman sana.

Tinuro niya ako at napansin ko ang mahahaba niyang kuko na lalong nagpatapang ng awra niya. Sa isang iglap, may lumitaw rito na isang patalim. Isang dagger.

"May nais akong ialok sa'yo. Alinman sa dalawa, sasanib ka ba sa amin o kikitilan kita ng buhay?" tanong niya at humalakhak siya nang nakakakilabot. 

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang idikit niya ang patalim sa leeg ko. Gustuhin ko mang ipakita sa kaniya na matapang ako at hindi natatakot, hindi ko ito magawa dahil hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin. Isa pa, sinabi ni Kuya Nicholai noon na mag-ingat ako sa kaniya. Ibig sabihin, mas malakas siya higit pa sa kayang gawin ng isang guardian.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin