Ikaapatnapu't isang kabanata

27 4 75
                                    

C A S E Y  D E  L E O N

Five months have passed and there's still no sign of me going back to the present. As in five freaking months! Wala na yatang pag-asang makabalik ako sa future. Sina Sandra at Lulu kasi, eh. Hayst.

Pero kumusta na kaya sila roon? Naganap na ba yung tinutukoy ni Regina na katapusan? Hinahanap kaya nila ako?

Sa totoo lang, may parte rin sa akin na masaya dahil napadpad ako rito. Kahit paano ay nagkaroon ako ng oras para sa sarili ko at pansamantala kong nakalimutan ang mga kinahaharap kong problema roon; ang trono, si Regina, at maski ang ibang mga kaibigan kong mukhang unti-unti nang nabubulag ng kapangyarihan. Sana lang matauhan na sila.

Sa limang buwang pamamalagi ko sa lugar na ito, medyo nasasanay na ako sa mga gawi ng mga tao. Sa umaga hanggang hapon, sumasama ako kina Alvaro at Nicholai sa sakahan kahit hindi ako gaanong tumutulong. Nakatambay lang ako habang kumakain ng prutas o kahit ano. Tapos kapag nababagot ako, saka ako tumutulong.

Noong unang mga linggo ay tinuruan ako ni Alvaro na pumitas ng prutas sa kabilang bahagi ng field. Pagkatapos no'n ay hinahayaan na niya akong kumilos mag-isa at binabantayan niya na lamang ako mula sa malayo.

Sa gabi, natutulog ako sa kwarto niya kung saan mas komportable kumpara sa papag na una kong tinulugan noong napadpad ako sa panahong ito. Si Alvaro naman ang natutulog sa sala pansamantala hanggang sa makabalik ako sa present. Pero hindi ako sigurado kung kailan iyon.

Sina Alvaro at Kuya Nicholai lang ang lagi kong kasama dahil wala akong tiwala sa iba. Marami-rami akong nakakasalamuhang iba pero sa huli, laging sa kanila ang bagsak ko.

At sa loob ng limang buwan, lagpas sampung beses ko pa lang nakikita si Senyora Kamielle. Totoo nga ang sinabi ni Alvaro tungkol sa kaniya. Bukod sa siya lang ang babaeng medyo kilala ko dahil kinukwento nina Alvaro at Kuya Nicholai, mukha talaga siyang mabait. Magaan ang loob ko sa kaniya, sa totoo lang.

Sa katunayan, dapat isang beses sa isang buwan lang siya pumupunta sa bahay para maningil. Pero buhat noong makilala niya ako, pumupunta na siya roon dalawa hanggang tatlong beses para bisitahin ako at kumustahin. Hindi niya ako pinarusahan nang malaman niyang maikli ang buhok ko. Sa halip, binigyan niya ako ng panali sa buhokpara hindi mahalata. Pinahiram niya rin ako ng iba't ibang mga uri ng damit para hindu raw ako magsuot ng sando at shorts.

"Binibini, sampung minuto na lang ang natitira bago magsimula ang piyesta sa bayan," paalala sa akin ni Alvaro na nakatayo sa labas ng kwarto. Nataranta ako kaya binilisan ko ang pagbibihis ng damit sa loob ng kwarto niya. Kurtina lang ang nagsisilbing dibisyon sa sala at kwarto kaya nakatutok ang tingin ko roon habang nagbibihis. Hindi dahil sa hindi ako tiwala sa kaniya, kundi baka kasi humangin at matanggal ang nag-iisang harang. Ayoko namang masilipan ako kapag nagkataon.

Ayoko sanang pumunta sa pyestahan kaso nag-effort si Alvaro para rito. Ilang beses ko nang binanggit na hindi ako magtatagal sa lugar na 'to at ang patunay na hindi ako taga-rito ay ang sando at shorts na suot ko noong nakita niya ako. Mula noon, gumagawa na siya ng paraan para maging masaya ako hangga't nandito pa ako sa lugar na ito. Sweet.

Dahil dito, 'di ko tuloy maiwasang isipin na may gusto siya sa akin. Ang kapal ng mukha ko sa parteng iyon pero ganoon kasi talaga ang napapansin ko. Ewan ko, baka mabait lang talaga siya, malayong-malayo sa malamig na Alvaro na kilala ko. Hindi ko rin tuloy maiwasang ma-attract sa Alvaro na kilala ko ngayon. Hindi ko namalayan na sa limang buwan naming magkasama, unti-unting nagbubukas ang puso ko para sa kaniya.

If Alvaro in the future is just like him, is there a chance that I'll like him and he'll like me too?

Napangiwi ako at napailing sa sarili kong naisip. Hindi ako sanay sa ganitong usapan, amp. Para maiwasan ang pag-iisip sa mga ganoong bagay, itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pag-aayos ng sarili.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now