Kabanata VI: Keepers Academy

73 5 105
                                    

IKAANIM NA KABANATA: KEEPERS ACADEMY

C A S E Y   D E  L E O N

"Sa araw na ito, bibigyan ko kayo ng pagkakataon na libutin ang bago niyong paaralan."

"Ang baduy naman ni ma'am, pwede namang mag-Taglish," rinig kong bulong ni Lulu kay Sandra na katabi ko. Humagikhik silang dalawa at mukhang hindi ito napansin ni Ma'am Fiona. Nagpakilala siya sa amin kanina, Fiona Montenegro raw ang pangalan niya at siya ang adviser namin. Maiksi ang kaniyang buhok na medyo wavy.  Balingkinitan ang kaniyang pangangatawan at medyo mas maliit kumpara sa akin. Parang nasa mid-20s ang edad niya at cute siya.

Itinaas ko ang kanang kamay ko.

"Libutin? Anong lilibutin dito kung field lang ang malaki?" tanong ko kay ma'am. Lalong nagtawanan ang mga katabi ko kaya sinenyasan ko sila na tumahimik.

 Ang dami ko talagang reklamo sa buhay, kulang nalang yata ay busalan ng panyo ang bibig ko para pigilan sa pagsasalita. Lagi ko kasing sinasabi ang opinyon ko nang hindi gaanong nag-iisip.

"Para sa ordinaryong mga tao, ito ay isang abandonadong lugar na may dalawang silid at isang banyo. Pero para sa mga katulad niyo, ito ang..." Kinumpas niya ang kaniyang kamay at nagliwanag ang paligid. Parang nabuksan ang aming mga mata, "bago niyong paaralan. Bibigyan ko kayo ng tatlumpung minuto para maglibot. Bumalik kayo rito pagkatapos."

Pagkatapos ng liwanag, kumunot ang noo namin dahil wala namang pinagbago sa paaralan.

"Pero, miss--"

"Bago kayo magsalita, lumabas muna kayo." Tumayo kaming lahat at nagkumpulan sa isang tabi, maliban kina Alexis, Aya, at Nimrod na nauna nang lumabas.

"Sa field na lang tayo. Mukhang wala naman tayong magagawa rito," bored na saad ni Lulu at umupo sa desk ng upuan na nasa tapat niya. Ipinatong ni Sandra ang braso niya sa balikat nito at tumango.

"Maglaro nalang tayo ng piko," aniya sabay tawa nang malakas.

"Tara, sa field na nga lang tayo," ani ni Charmaine at pumalakpak, "gusto kong matulog."

Napatawa si Kane. 

Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Alexis.

"Guys, lumabas kayo!" 

"Bakit? Anong meron?" tanong ko. Nasasabik siyang ngumiti at sinenyasan kami na lumapit sa kaniya. Pero bago pa man kami nakakalapit sa pinto ay binuksan niya ito nang malaki. Napakurap kami sa nakita. Imbes na field ang makita namin ay isang magandang room.

Nag-unahan kaming tumakbo palabas, halos hindi na nga kami magkasya sa pintuan dahil sa pagmamadali. Napaawang ang bibig namin at nahiwagaan sa nakita. Malayo na ang itsura ng lugar na ito kaysa sa itsura kanina. Nasa hallway na kami ng isang malaking eskwelahan na may maraming silid.

Imposible!

Binalikan namin ng tingin ang pinanggalingan namin kanina. Nanatili itong isang abandonadong silid pero kasama na sa loob ng paaralan.

"What. The. Fvck," bulalas ko at manghang tumingin sa paligid. Maraming mga kabataan dito na nakasuot ng varsity jacket na kulay, pula, ginto, berde, at puti.

"Niloloko ba ako ng mata ko?" tanong ni Jace at kinusot-kusot ang mata niya bago muling tumingin sa paligid. Humarang ako sa isang grupo ng mga estudyante para masiguro kung ilusyon lang ito o hologram. Tumabi sila nang kaunti para iwasan ako. Lalo akong napanganga at humanga.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu