Kabanata LVI: Ang huling paligsahan

23 4 89
                                    

IKALIMAMPU'T ANIM NA KABANATA: ANG HULING PALIGSAHAN

C A S E Y  D E  L E O N

Ngayong araw na 'to magaganap ang huling paligsahan. Ang pinakahinihintay ng lahat. Ngayon na malalaman kung sino ang magmamana ng trono.

Sa totoo lang, natatakot ako dahil anumang oras ay maaaring sumalakay ang kampo ni Regina. Matagal na kasinng tapos ang kabilugan ng buwan kung saan sinasabing magbubukas ang portal sa mundo ng mga tao at mundo nila. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Hindi ko pa rin gaanong nararamdaman ang presensya ni Regina. Isa pa, tinutuloy pa rin ng akademya ang paligsahan sa pagpili ng tagapagmana na para bang walang banta sa buhay namin. 

Kahit na sa tingin ko ay hindi pa rin kami handa sa anumang mangyayari, pinapaubaya ko na ang lahat sa akademya. Wala rin naman kasi kaming magagawa kapag nagkataon. Ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako gaanong natatakot ay dahil kay Sandra. Kung kakampi siya ni Regina, siguro naman ay hindi nila siya pababayaan. Wala rin akong gaanong nakikitang kakaiba sa kinikilos niya ngayon kaya hinahayaan ko muna. Pero alam ko sa sarili kong hindi ko na siya pwedeng pagkatiwalaan.

"Kahit anong mangyari, magkakaibigan pa rin naman tayo pagkatapos nito, 'di ba?" paniniguro ni Charmaine at inilahad ang likod ng kamay sa harap namin. Nostalgic. Sinabi niya rin 'yan noong bago magsimula ang unang paligsahan. Marami nang nangyari. Ang layo na ng narating namin. Nakakalungkot man, ramdam kong unti-unti kaming nagkakawatak-watak.

Parang piniga ang puso ko. Tulad ko, bakas din sa mga mukha nila ang pagdadalawang-isip na tanggapin ang kamay niya. Lahat kami ay nagpapakiramdaman. Buhat kasi noong sagutan namin nina Sandra sa room, hindi na kami muling nag-usap kahit na magkakasama kaming tatlo nina Sandra at Alexis sa isang room. Ewan ko lang kung nag-uusap sina Charmaine, Lulu, at Aya na magkakasama rin sa iisang room.

"Sa loob ng sampung segundo, mangyaring pumunta na kayo sa labas ng pinto upang tayo'y makapagsimula na," biglang pag-aanunsyo ni Ma'am Fiona gamit ang mikropono. Hindi namin siya nakikita ngayon pero naririnig namin siya gamit ang speaker na nakalagay sa labas ng gymnasium kung nasaan kami ngayon. Sa pagkakaalam ko ay ni-rearrange na 'to depende sa uri ng paligsahang gagawin namin ngayon. Pero sana naman ay hindi na horror house, escape room, o kahit anong aktibidad na kailangan ng teamwork. Sawa na ako roon.

Nataranta kami at wala sa oras na napalahad na rin ng kamay na para bang magmamaiba-taya. Tipid na ngumiti si Charmaine at ngumiti. Tiningnan siya ng iba at pagkatapos ay ginaya.

"Gabayan sana tayo sa lahat ng gagawin natin. Nawa'y maging malakas tayo at sama-samang malampasan ang lahat ng pagsubok na darating," nakapikit na bulong ni Charmaine.

Pumikit ang lahat maliban sa akin. Pinagmasdan ko silang lahat. Ang aamo ng mukha ng mukha nila at parang walang problema sa buhay. Buti pa sila.

Pipikit na rin sana ako pero natapos nang magsalita si Charmaine. Iminulat na niya ang kaniyang mata at nagpakawala ng isang totoong ngiti.

Naglakad kami papunta sa tapat ng entrance. Nang makita ko ang pinto, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil sa nangyari noong isang araw. Sana naman ay hindi na 'yon maulit. Baka hindi ko na kayanin at mahimatay o mamatay na talaga ako.

Huminga ako nang malalim at mahigpit na hinawakan ang pendant kong nasa leeg. Mariin akong pumikit at ipinaubaya sa tadhana ang kung anong mangyayari sa akin.'This is it.'

Isa. Dalawa. Tatlo...Sampu.

Kasabay ng mabagal na pag-angat ng pinto ay ang pagpipigil ng hininga ko dahil sa matinding takot sa kung anong mangyayari sa huling paligsahan. Idagdag pa ang nakakapasong tingin ni Sandra na halatang kinikilatis kung gaano ako kagaling. Mukhang pinag-aralan na niya ang bawat kilos ko nang 'di ko namamalayan.

High School Dilemma: The Descendants' Defender (Keeper Series #1)Where stories live. Discover now