Chapter 26 part 2

79.3K 1.5K 41
                                    

Chapter 26 part 2

Abala si Vincent sa pagrereview ng monthly report ng kumatok ang kanyang secretary. 

"Sir, Mr. De Guzman is here." magalang na imporma nito. May mga dala rin itong papeles na inilapag sa kanyang executive table. "Pinapasabi po ni sir Francis ikaw na daw po ang bahalang magdesisyon sa mga proposal na yan." tukoy nito sa mga documents na nasa ibabaw na ng mesa. 

Hindi pinansin ni Vincent ang huling sinabi ng sekretarya. "Gusto kong makausap si Mr. De Guzman. Habang nag-uusap kami ayaw ko ng istorbo and I wont accept any calls." Mahigpit na bilin Vincent dahil para sa kanya ay napakaimportnte ng meeting na ito dahil ito ang taong makakatulong para malutas ang mga gumugulo sa isip niya tungkol kay Venice. 

Habang naghihintay ay inilabas na niya ang mga dokumentong maaaring makatulong.

"Good morning Vincent." bungad ng lalaki na halos kasing edad na ng kanyang tiyo. Ma

Mabilis na nilapitan ito ni Vincent at mahigpit na nakipagkamay. "Tito have a seat." itinuro niya ang silya sa harap ng mesa niya. 

"Mukhang napakaimportante ng pag-uusapan natin hijo. Pati sa tito Francis mo ayaw mong ipasabi ang tungkol dito." may kuryosidad na turan ng matandang lalaki. 

"Tito Ben tulad ng pakiusap ko sa inyo ayaw ko munang may makaalam nito sa kahit sinong kapamilya ko." 

Tumango si tito Ben. "Tungkol saan ba ito?" 

May inabot na brown envelope si Vincent dito, naglalaman ito ng mga litrato ni Venice at Jesica. 

"Napakaganda naman nitong batang ito, she looks like you. Huwag mong sabihin na..." makahulugan niyang tinitigan si Vincent. 

"Tito, that's my problem right now. Hindi ko matanong ng diretso ang nanay ng bata." matapat niyang tugon dito. 

"Bakit natatakot ka ba na malaman mo ang katotohanan? Be a man Vincent, hindi dapat tinatakasan ang responsibilidad." panenermon na ni tito Ben sa pamangkin ng kanyang matalik na kaibigan. 

"That's why I hired your agency para alamin ang tungkol sa bata." 

"Actually Vincent, hindi mo na kailangan ang serbisyo ng agency ko. Pagkakita ko pa lang  sa mga litratong ito, I can say that she's yours." may kasiguruhang turan nito. 

Napabuntong hininga si Vincent, hindi niya alam kung paano sasabihin dito isa pa sa pinoproblema niya. 

"I know you have another problem. It's not only about the child, it's about the mother. Am I right?" patuloy ni tito Ben, alam na niyang basahin ang mga ikinikilos ng kanyang mga kliyente. Sa ganitong trabaho na siya tumanda kaya ang ganitong klaseng problema ay pangkaraniwan lamang sa kanya. 

"Gusto kong malaman tito kung paano nakakuha ng ganoong klaseng drugs si Jesica at kung bakit niya ginawa." 

Nagulat si tito Ben sa kanyang narinig. "Can you tell me the details?" nabuhay ang kuryosidad niya bilang isang imbestigador sa kasong sinasangguni ni Vincent. 

Nagsimulang magkwento si Vincent, wala siyang inilihim at bawat detalye ng mga pangyayari four years ago ay pinagtapat niya dito. 

"Are you sure na si Jesica ang naglagay ng drugs sa inumin ninyo?" paniniguro ni tito Ben kay Vincent matapos marinig ang kwento nito.

"Wala na akong maisip na may ibang motibo para gawin yun sa akin." buo ang paniniwala niya na isa si Jesica sa mga babaeng gustong maitali siya sa isang relasyon. 

"Sinabi mo that you were willing to marry her, anong nangyari?" 

"She didn't accept my proposal at siya pa ang may ganang magalit sa akin." parang bata na itong nagsusumbong.

"I'm gonna investigate about it. I will send my men to handle your case and we'll give you the report as soon as possible." Pagtatapos ni tito Ben ng usapan nila. 

"Thanks tito" muling nakipagkamay si Vincent dito. 

Hindi pa matagal na nakakaalis si tito Ben ay walang pasabing pumasok si Mia. Nakasimangot ito at halatang wala sa mood. "I was calling you since this morning but you're not answering my calls." panininita ng dalaga. 

"Look Mia, I'm too busy and I don't have time with this." inis na baling ni Vincent sabay buklat sa mga dokumentong nasa harap.

"Vincent I just want to remind you na hindi magandang kaaway ang pamilya namin." may pananakot na sa pananalita ni Mia. 

"What are talking about? are you threatening me?" nagpipigil na ng galit si Vincent. 

"Alam ko na may gusto ka pa rin sa babaeng yun. Kitang kita ko kung paano mo siya titigan noong nasa simbahan tayo." tukoy nito kay Jesica. 

"Oh God Mia! For Pete's sake huwag mo ng isali sa usapan si Jesica." sabay bagsak ni Vincent sa pinipirmahang papeles. 

"Kaya ako nagkakaganito dahil sa babaeng yun. Alam ko na minahal mo siya, iyan ang sinabi ng mga kaibigan mo sa akin when we were in America." sabay upo nito sa couch na nasa isang sulok ng opisina. Kinakabahan siya sa muling pagkikita ng fiance at ni Jesica. 

"Alam mo naman pala, ano pa ang dapat nating pag-usapan?" Medyo brusko na rin ang dating ni Vincent ng mga sandaling yun. 

"Damn you! bakit ka nagpropose sa akin kung may iba kang mahal?" mabilis na lumapit ito sa tabi ni Vincent. 

"Do you want to hear my reason?" paghahamon ni Vincent.  "Napakatanga ko dahil naging sunud-sunuran ako ng mga panahong yun sayo."  may pagsisisi sa tinig ng binata.

Nanahimik si Mia sa kinatatayuan, alam niyang siya ang may kasalanan ng lahat. Inilagay niya sa alanganing sitwasyon si Vincent sa harap ng mga magulang kaya wala itong nagawa ng mag set ang kanyang papa ng engagement party nila. 

----------------------

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments :)

Thank you so much sa walang sawa ninyong suporta ^___^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon