Chapter 46 part 1

73.8K 1.5K 30
                                    

A.N.

Akala ko hindi ako makakapag ud today buti na lang nagfunction ang brain ko ngayon...

__________________________


Chapter 46 part 1



"Gusto mo samahan kita?" nag-aalalang tanong ni Vincent kay Jesica. Nakikita niya ang pag-aalinlangan nito na habang papasok sila sa restaurant.

Nang kausapin si Jesica ng kanyang mommy tungkol kay Carmen ay humingi siya ng ilang araw para makipag-usap dito dahil ng mga oras na yun ay galit pa ang nararamdaman niya. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ng kanyang ina ay hinding hindi siya makikipagkita rito.  Naramdaman niya ang marahan na pagpisil ni Vincent sa kanyang kanang kamay na kanina pa nito hawak.

"Siguro nga mas okay kung sasamahan mo. Alam mo naman na labag sa kalooban ko ang gagawin ko ngayon." Nakasimagot na tugon ni Jesica.

"Honey, nangako ka na kay mommy Lourdes." Paalala ni Vincent. Magmula ng magkasundo sila ni Jesica ay hindi na pumayag ang mga magulang nito na tawagin silang tito at tita, parang anak na rin ang turing sa kanya ng mag-asawang Tenorio. Hindi niya inaasahan na napakadali para sa kanila na patawarin siya, ito ang isa sa mga natutunan niya.

 

"I know and I don't want to disappoint her." Nagpatiuna ng pumasok si Jesica at iginala ang paningin nagbabakasakaling nauna sa kanila si Carmen.

 

"Ma'am do you have reservation?" magalang na tanong ng nakaunipormadong waiter na sumalubong sa kanila.

"Yes, I'm with Carmen Ventura."

 

"This way ma'am." Mabilis ang mga kilos ng waiter.

Hindi inaasahan ni Jesica na isang private room ang pinareserve ni Carmen at mas lalo siyang nagulat ng abutan din sa loob si Mia.  Wala sa usapan nila ng kanyang mommy na kasama ni Carmen si Mia, magrereact na sana siya ng magsalita si Carmen.

"Hija, I invited her at may sasabihin din siya sa inyo." Mabilis na imporma ni Carmen ng mapansin  na hindi nagustuhan ni Jesica ang presensiya ng pamangkin.

Tiningnan muna ni Jesica si Vincent  kung payag ito sa gustong mangyari ni Carmen.

"Go ahead." Bulong ni  Vincent at inakbayan nito ang dalaga, gusto niyang iparating kay Jesica na nandito siya sa tabi nito at hindi niya hahayaang saktan siya ng dalawang babae.

Walang kangiti ngiti si Jesica ng umupo sa tapat ni Carmen. Kung gagawa ng maling habang ang dalawang babae ay nakahanda na siya na labanan ang mga ito sa legal na paraan.

Samantalang si Vincent ay tahimik na umupo sa tabi ni Jesica, nararamdaman niya ang tensiyon sa loob ng kwarto. Ayaw niyang makialam dahil usapang babae ito pero hindi naman niya hahayaang mag-isa si Jesica na makipag-usap sa kanila. Wala na siyang tiwala sa dalawa at ang tanging iniisip niya ngayon ay ang kaligtasan ni Jesica.

 

"Ang sabi ni mommy gusto niyo daw akong makausap?" walang paligoy ligoy na simula ni Jesica.

"Hija, nagawa ko lang naman yun dahil..." Nagsimula ng gumaralgal ang boses ni Carmen. "dahil n-nararamdaman ko na nagbago na si Alejandro." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Carmen.

 

"Ang dami naman kasing lalaki, bakit may asawa pa ang pinili ninyo? At asawa pa ng kaibigan mo?" May paninisi ang tono ni Jesica.

 

"I've talked to your mom and she understands me. Jesica, Vincent please I'm begging you..." Patuloy pa rin sa pagluha si Carmen natatakot siya na mabulok sa bilangguan. Kung kinakailangan niyang lumayo ay gagawin niya hwag lamang ituloy ng mga ito ang kaso laban sa kanya.

 

 

"Tita, stop crying baka anong mangyari sa inyo." Inabutan ni Mia ng tissue ang tiyahin. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na niyang makita ang dalawang nasa harapan ngayon. Wala na siyang pakialam kung ayaw na sa kanya ni Vincent dahil may nahanap na siyang kapalit nito na kayang pantayan ang kayamanan ng mga Almonte.  Kaya lamang ay ayaw siyang tigilan ng kanyang tiyahin, gusto nitong makipag-ayos din siya kina Vincent at Jesica.

"Kakalimutan namin ang nangyari pero.."

Mabilis na tumayo si Carmen mula sa kinauupuan ng marinig ang sinabi ni Jesica at niyakap niya ito ng mahigpit. " Thank you so much hija, katulad ka rin ng mommy mo. Napakabuti niyang kaibigan."  Kulang na lamang ay lumuhod ito sa harapan ni Jesica.

"You should listen to me first." Walang kaemo-emosyon na sagot ni Jesica. Pinipigilan niya ang sarili na magpaapekto sa awing nararamdaman kay Carmen. Pilit niyang pinapaalala sa sarili na ito ang dahilan ng pagkasira ng pamilya nila.

Dahan dahang kumalas si Carmen sa pagkakayapos kay Jesica at nagmamakaawang tinitigan niya ang dalaga. Habang pinagmamasdan niya ang dalaga ay may inggit siya naramdaman, ngayon niya narealize ang kakulangan niya bilang babae. Mabuti pa si Lourdes ay nagkaroon ng isang mapagmahal na anak.

"Hija, gagawin ko ang lahat huwag mo lang ituloy ang demanda."

 

"Are you sure?" May pagdududang tanong ni Jesica.

 

"Yes, just tell me anything at gagawin ko."

"Paano kung sabihin kong layuan mo na ang daddy ko?" Hamon ni Jesica.

 

"Layuan ko man o hindi ang daddy mo hindi na kami magkakabalikan. Pinili ka niya at si Lourdes."  Malungkot na pahayag ni Carmen.

Nasiyahan si Jesica sa narinig. Ngayon alam niya na totoo ang sinabi sa kanya ng kanyang daddy ng huli silang mag-usap. Muli niyang bubuuin ang pamilya niya.

"Jesica, ano pa ba ang gusto mo? Nasa iyo na si Vincent at bumalik na rin ang daddy mo. Sana naman patawarin mo na si tita Carmen. Don't worry hindi ko na rin kayo guguluhin dahil may bago na akong boyfriend." May pagmamalaki sa tinig ni Mia.

Nakahinga ng maluwag si Vincent  ng marinig sa mismo kay Mia. Talagang tapos na ang problema niya sa babaeng ito at siniguro na rin ni Renzo na hindi na sila muling guguluhin ng babae. Sa pagkakaalam niya ay tinakot ito ng kaibigan na sisirain sa bagong nobyo kung patuloy na makikialam sa buhay nila ni Jesica.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon