Chapter 7 part 1

99.2K 1.7K 24
                                    

Chapter 7 part 1

Hanggang makauwi si Vincent ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakausap niya ang ina ni Jesica. Ang akala niya ay tuluyan na niyang nakalimutan ang dalaga pero kaninang nakita niya si Mrs. Tenorio ay may kakaibang kaba siyang naramdaman na hanggang ngayon ay hindi niya kayang ipaliwanag sa sarili.

Naisip ni Vincent na tawagan si Renzo matagal na rin ang huli nilang pag-uusap. Gusto niya rin makibalita dito dahil ng huli silang mag-usap ay talagang pinaggigiitan nitong liligawan niya si Jesica. Naka ilang ulit din siyang nag dial  ang sa kabilang linya bago may sumagot.

“Dude! I was calling you kanina pa. Are you busy?” bungad ni Vincent ng mabosesan ang kaibigan.

 

“I was having an argument with Shiela, kakaalis lang niya.” Inis na tugon ni Renzo.

Tinawanan ni Vincent ang kaibigan. “I told you na sakit lang ng ulo ang mga babae, once na pinagbigyan mo ang mga yan  akala nila ay pag-aari nan nila tayo. Kaya nilinaw ko kay Mia ang status naming, she knows where to stand. ” tila may pagmamalaki sa boses pa ni Vincent habnag kausap ang kaibigan.

‘Yeah, I heard that you’re getting serious with your relationship to Mia. I just want to remind you about her baka nakakalimutan mo na.” paninita ni Renzo kay Vincent.

“Don’t worry dude, hindi niya mabibilog ang ulo ko.” May kumpiyansang sagot niya.

 

“When did you arrive?” pag-iiba ni Renzo ng usapan.

Kahapon lang pero dumiretso na ako sa mga meetings ko.”

“So, pwede tayo mamaya? I’ll call Luis para makasama din natin yun. Mula ng makikilala niya si Eunice nasiraan na rin ng ulo dahil sa babae.”

 

Pagkarinig sa sinabi ni Renzo ay naalala niya ang dahilan ng pagtawag niya. “I bumped with Mrs. Lourdes Tenorio this afternoon.” Simula ni Vincent.

“Really? Where did you see her? Nabalitaan ko yung nangyari sa kanila ng asawa niya. I didn’t know na dito pala siya nagtago sa America.” Natatawang sabi ni Renzo.

“I didn’t expect na tsismoso ka na rin pala.” Sabay tawa ni Vincent. “Nagkita kami sa supermarket kanina, mukhang tagaalaga na lang apo dito.”

 

“May anak na si Jesica?!” hindi makapaniwalang sabi ni Renzo.

“No, anak daw ng pamangkin niya.”

“Dude, nakita mo ba ang mukha ng bata?” curious na tanong ni Renzo.

“Hindi masyado kasi nakabaseball cap yung at hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Mrs. Tenorio but I’m sure that child is very cute.” Nakangiting sabi ni Vincent tuwing maalala ang bata na may hawak ng isang kahong tsokolate.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon