Chapter 1 part 1

214K 2.7K 68
                                    

Chapter 1 part 1

Nang araw na yun ay nagmamadaling umuwi si Jesica dahil tinawagan siya ng dalawang kaibigan. Ang sabi ng mga ito ay may pupuntahan daw sili ngayong gabi kaya kahit may mga tatapusin pa siyang research paper ay umuwi na siya.

Naabutan niya sina Emer at Toffer na abalang nagluluto sa kusina, which is unusual dahil siya ang laging naghahanda ng pagkain nila. "Anong meron?" nagtatakang bungad niya sa mga ito.

"Pinakialaman ko na ang pagluluto, para makapagdinner tayo ng maaga at para maaga rin tayong makaalis." sagot ni Emer habang abala ito sa paghuhugas ng mga asparagus. 

"Where are we going?" hindi niya alam kung anong pinagsasasabi nito.

"Kasi naman itong baklang ito." sabay turo ni Emer kay Toffer na nag-aayos ne mesa. "nagsuggest na mag bar hopping naman daw tayo, three months na nga naman tayo dito pero hindi pa tayo nakakalabas." sabay kindat nito kay Jesica.

"Oh, God! pinauwi ninyo ako ng maaga para lang mag bar hopping?" nanlalambot siyan napaupo sa silyang naroroon.

"Alam mo, ikaw masyado kang seryoso sa buhay sometimes we need to mingle para naman magka kulay ang buhay life." maarteng turan ni Toffer kay Jesica.

"Palibhasa wala kayong hinahabol na deadlines. Ang dami ko pang tatapusing papers, hindi ako makakasama sa inyo." seryoso si Jesica habang nagsasalita. 

"Ay! ang KJ ng lola." ismid ni Toffer.

"I just want to remind you kung bakit tayo nandito ay para mag-aral hindi para mag bar hopping. Pati yang si Emer iniimpluwensiyahan mo sa mga kalokohan. Gusto mo bang tsugiin ka namin dito sa apartment?" panankot ni Jesica.

"Sige na kung ayaw mo hwag ka ng sumama, kinokonsensiya mo pa kami." nakalabi si Toffer.

"Aba, nakonsensiya ang bakla. Meron ka ba nun?" panunukso ni Emer.

Sabay na nagtawana sina Jesica at Emer ng nagmartsang palabas sa kusina si Toffer. 

"Hindi ka talaga sasama sa amin?" paniniyak ni Emer. 

Todo iling ang ginawa ni Jesica. "May tatapusin pa akong mga recipes." 

"I have something to tell you, muntik ko ng makalimutan." excited na umupo din si Emer sa tapat ni Jesica. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon