Chapter 3 part 2

108K 1.8K 36
                                    

Chapter 3 part 2

Nagpalipas ng dalawang linggo si Jesica bago lakas loob na bumalik sa bahay Vincent. Umaasa siya na nakapag-isip na ito ng maayos at baka pwede na niyang makausap ito ng maayos para sabihin na maaaring nilagyan ng drugs ang ininom nilang alak. Ipinarada niya ang kotse na minamaneho at kumakabog ang dibdib ng papalapit na ito sa gate. Ilang beses din niyang pinindot ang doorbell bago may nag bukas ng pinto. 

"Yes?" nakakunot ang noo ng lalaking nagbukas ng pinto. 

"I'm looking for Vincent."  his presence is intimidating. Hindi  halos makatingin si Jesica sa lalaking nakatayo sa harapan niya.

Nang hindi sumasagot ang lalaki ay ipnakilala na niya ang sarili. May mga naririnig din siyang nag-uusap sa loob ng bahay, sa tingin niya ay may mga bisita ito. "I heard Vincent got your new car dude." tinig ng isang lalaki na nasa loob. "Yeah! he's lucky with Jesica as well." sabay halakhak nito.

Halos pigilan ni Jesica ang paghinga ng mga oras na yun. Ngayon malinaw na sa kanya ang lahat na pinagpustahan pala siya. Galit na galit siya kay Vincent at ipinapangako niya sa sarili na hinding hindi na makakalapit sa kanya ang lalaki. Napansin na lamang niyang nasa loob na ulit siya ng kanyang kotse at tuluyan na ring nahulog ang kanyang mga luha. Humihikbi pa rin siya ng mag maniobra, sobrang sakit ng ginawa sa kanya ni Vincent. 

"Who's that?" tanong ni Renzo kay Dennis ng pumasok ito.

"She was here a while ago." nakatingin ito sa pinsang busy na nakaharap sa laptop.

Nagtatanong ang mga tinging ipinukol nina Renzo at Luis. 

"It was Jesica Tenorio, I think she heard you kaya nagmamadaling umalis." balewalang sabi ni Dennis at binalikan ang ginagawa.

"Dude! badshot ka na sa hot babe mo." pangangantiyaw pa ni Luis. 

"We're done, wala kaming relasyon." sagot ni Vincent habang nasa laptop pa rin ang atensiyon nito. 

"So, it doesn't matter to you if I'll court her?" nanantiyang tanong ni Renzo. 

Nang marinig ni Vincent yun ay biglang nag-angat ang paningin niya. "Are you sure? akala ko ba ayaw mo sa mga babaeng pinag-sawaan ko na." gusto niyang iparating sa kaibigan na naangkin na niyang pauli-ulit si Jesica.

"Mukhang tinamaan naman si Renzo sa Jesica na yun." sabay kindat pa nito kay Vincent.

"She's pretty at mukhang disente." komento rin ni Dennis. 

Napakunot ang noo ni Vincent dahil mukhang nagkagusto rin ang pinsan sa babaeng yun. "It's up to you if you want to pursue her." pero mukhang hindi bukal sa kalooban niya ang sinabi.

 "Thank's dude!" tuwang tuwang tinapik pa sa balikat ni Renzo ang kaibigan. 

Tinanguan niya lamang ito. Pero lingid sa kaalaman ng mga ito ay may binubuo na siyang plano. Kailangan niyang mahanap si Jesica para balaan sa plano ng kaibigan, alam naman niyang wala ring sineseryosong babae si Renzo.

__________

Mabuti na lamang ay wala ang mga kaibigan ng dumating sa apartment si Jesica, tuloy tuloy siya sa kanyang kwarto at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob at galit kay Vincent. Padapa siyang nahiga sa kama habang walang tigil sa pag-iyak. Ang tanging pinagdarasal niya ay sana hindi magbunga ang isang gabing pagkakamali niya. Naisip rin niya ang problema ng mga magulang, halos hindi niya maampat ang pagtulo ng mga luha. Ang sakit sakit ng kanyang dibidib at hindi makahinga sa sakit na nararamdaman. Ilang oras din siyang nanatili sa ganung ayos at hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. 

Ilang mahihinang katok ang gumising kay Jesica, napagbuksan niya si Emer. "Si tita.." sabay abot nito sa hawak na telepono. Napansin din niya ang pamumugto ng mga mata ni Jesica. 

"Thanks" sabay abot ni Jesica sa telepono.  

Anak, how are you?" masigla na ang boses ng ina sa kabilang linya. 

"Ma, ako dapat ang magtanong sayo niyan." pilit din niyang pinapasaya ang tinig. Ayaw niyang mahalata ng ina na may pinagdadaanan siyang problema. 

"I have to move on anak, naisip ko ako ang talo kasi ang papa mo maligaya siya ngayon kasama ang babae niya, samantalang ako walang ginawan kundi umiyak." 

Natuwa si Jesica dahil tama ang kanyang mama, kailangan nilang tanggapin na hanggang doon na lang ang pagsasama ng mga magulang. Parang bigla niyang na miss ang ina. "Mama, can I go there? kahit two weeks lang." 

 "Paano ang pag-aaral mo? ang mabuti pa, I'll just visit you there para maipagluto kita ng mga paborito mong pagkain." masayang sabi ng ginang. 

Natuwa si Jesica dahil ngayon niya kailangan ang ina. 

Pumasok si Emer sa kwarto ng kaibigan at nadatnan niya itong malalim ang iniisip. "Bakit namumugto na naman ang mga mata mo?" sita ni Emer. 

"Naalala ko lang ang mga nangyayari sa akin." malungkot na tiningnan ni Jesica si Emer. 

"Just forget about it and focus with your goals. I promise that we'll never step to that kind of place again, we've learned our lessons. Takaw mo kasi may pambayad ka naman mas gusto mo pa ang libre." Emer is trying to cheer her up. 

Napangiti si Jesica sa huling sinabi ng kaibigan. "You're right, I'll just look at it as my nightmare. Kakalimutan ko na ang gabi na yun." 

"That's my girl!" maluwag na ang pagkakangiti ni Emer bago muling nagsalita. "So, magluluto ka na ng lunch natin?" 


Natawa si Jesica. "Bakit nagsasawa ka na ba sa luto ni Toffer?" 

"Oh my! pinagtitiyagaan ko lang ang mga luto niya. Imagine two weeks kang nag boycott sa kusina." reklamo ni Emer.

Inayos na ni Jesica ang sarili at tinungo na ang kusina. Simula ngayong araw na ito ay ibabaon na niya sa limot ang mga nangyari ng gabing yun.

______________

A.N

Maraming salamat sa pag appreciate niyo sa story nina Vincent at Jesica ^___^

Please don't forget to vote and leave your comments :)

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon