Chapter 38 part 1

78.4K 1.8K 86
                                    

Chapter  38 part 1

Galit na galit si Mia ng pumasok sa pribadong opisina ni Vincent.  Hindi niya kayang tanggapin na pinagmukha siyang tanga kanina ni Divina. Tinapunan niya ng masamang tingin ang binata habang kampante itong nagbabasa ng mga dokumento.

 

“Vincent, ano ang gusting palabasin ng tita mo?!” padabog itong lumapit sa executive table ni Vincent at hindi pa nakuntento ay pinukpok niya ng tatlong beses ang mesa ng mapansin na hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng fiancé.

“Mia, I don’t have time with your tantrums. Can’t you see I’m very busy?” Kalamadong sabi ni Vincent habang patuloy pa rin ito sa pagbuklat sa mga folders na nasa harapan.

 

“Damn you!” sigaw ni Mia.

Nang marinig ang sinabi ni Mia ay saka lamang siya nag angat ng paningin. “Kung wala kang magandang sasabihin makakaalis ka na.”

“Ipaliwanag mo sa akin kung bakit kasama mo ang baabeng yun kanina. Don’t deny it dahil may mga nakakita sa inyo.” Nagbabaga ang mga tingin ni Mia ng mga oras na yun.

“So, iyan ang dahilan ng pagsugod mo dito at nakalimutan mo na ang manners mo. Ilang beses ka ba pwedeng sabihan ng sekretarya ko na hindi ako pwedeng maistorbo dahil may mga hinahabol akong trabaho.”  Nauubusan na ng pasensiya si Vincent sa kaharap.

Habang pinagmamasdan ni Vincent ang nagwawalang fiancée ay lalo niyang sinisisi ang sarili dahil sa padalos dalos na desisyon. Kung nagtiyaga sana siya sa panunuyo kay Jesica noon ay baka wala siya sa komplikadong sitwasyon ngayon. Kahit magsisi pa siya ng paulit ulit ay hindi na niya kayang ibalik ang nakaraan pero handa siyang ituwid ang mga pagkakamali lalo na para sa kanyang mag-ina.

 

“Pati ako na fiancée mo pinagbabawalan mo na istorbohin ka? Samantalang ang tita Divina mo anytime she can disturb you.”  Kahit kalian talaga ay hindi nagpapatalo sa argument si Mia.

Napabuntong hininga si Vincent. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? I would like to remind you that Divina Almonte is one of the major stockholders of this company and she’s my superior.” Parang nang-aasar na turan ni Vincent.

“As well as my parents, they are one of the investors of this company kaya may karapatan din ako.” Nagmamalaking sabi ni Mia, hindi siya nagpahalata na napahiya siya sa sinabi ni Vincent.

“Alam ko na  alam mo ang dahilan kung bakit tinanggap ni Tito Francis ang investment ng parents mo.” Makahulugang tinitigan ni Vincent ang galit nag alit na dalaga.

Biglang nanahimik si Mia at hindi alam kung paano ipagtatanggol ang sarili. Nang mga nakaraang taon ay nagkaroon ng bad investments ang kanyang papa na muntik ng ikalugi ng kanilang kumpanya. Laking pasasalamat nila sa mga Almonte ng pumayag ang mga ito na mag invest sila sa Almonte Holdings Inc. dahil unti unti silang nakabawi.

“Vincent, bakit ba napunta sa negosyo ang usapan natin? Ang ikinaiinis ko lang naman ay ang pakikipagkita mo sa Jesica na yun.” Biglang naging mahinahon ang tono ng pananalita ni Mia.

 

“Ikaw ang nagsimula, I was telling you that I’m busy pero ayaw mo akong tigilan. Wala akong dapat ipaliwanag sayo tungkol sa pakikipagkita ko kay Jesica.”

‘What?! Napahiya ako sa mga kaibigan ko!” Hindi mapapayagan ni Mia na maagaw sa kanya ni Jesica si Vincent.

 

“Mia, pag-usapan natin mamaya yan. I’ll just finish my paper works.”

“No, Vincent ngayon natin pag-usapan ito. Pinagtatawanan na ako ng mga kaibigan ko sa mga oras na ito.” Nagmamaktol pa ring sabi ni Mia.

Napahawak sa batok si Vincent, kahit kalian talaga ay puro stress ang dala sa kanya ng babaeng ito. Hindi nakukuha sa pakiusap. Kanina pa siya nagtitimpi na komprontahin ito tungkol sa mga litratong ibinigay ni Renzo sa kanya.

“I had breakfast with Jesica dahil pinag-uusapan namin ang tungkol kay Venice at…”

“Kung ayaw niyang maging part ka ng buhay ng anak niya, hayaan mo na sila. Don’t worry kapag kasal na tayo kaya kitang bigyan ng mga anak.” Putol ni Mia sa sasabihin pa sana ni Vincent.

Biglang sumakit ang ulo ni Vincent sa sinabi ni Mia. Kanina ay nakapagdesisyon na siya na makipaghiwalay dito. Napapailing na tinitigan ni Vincent ang dalaga na nakaupo sa harapan niya. “Sa ayaw at gusto ni Jesica ay gagampanan ko ang tungkulin ko sa anak namin.”

“Ayoko ng may kaagaw Vincent.” Mabilis na sabi ni Mia.

 

“Ako rin ayoko ng may kaagaw ang mag-ina ko.”

Natigilan si Mia at para siyang biglang pinagpawisan kahit na air-conditioned ang opisina ni Vincent. Parang alam na niya ang gustong ipahiwatig nito at kung totoo ang kanyang hinala ay hindi siya basta susuko na lamang. Sisiguruhin niyang hindi magiging madali para kay Jesica.

 

“What do you mean? Vincent, don’t tell me na ipagpapalit mo ako sa babaeng yun.” May pagbabanta sa boses ni Mia.

“Gusto kong mabuo ang pamilya ko and I’m willing to sacrifice everything just to be with them. “

“Paano ako? Alam ng mga kaibigan natin na magpapakasal tayo.” Tila batang pagsusumamo ni Mia.

“Mia, tapusin na natin ito. Alam ko na rin naman ang mga ginagawa mo.”

“Huh? I don’t understand you.” Nagtatakang sabi ni Mia.

Binuksan ni Vincent ang drawer niya at may inilabas na isang envelope sabay abot kay Mia. “I don’t need explanation, malinaw na sa akin ang laman niyang envelope nay an.”

Hindi maintindihan ni Mia ang ibig sabihin ni Vincent kaya agad niyang binuksan ang envelope. Halos hindi siya nakakilos mula sa kinauupuan ng tumambad sa kanya ang mga litrato niya na may kasamang ibang lalaki. 

________________

A.N.

Happy reading guys :D

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon