Chapter 20 part 1

85.6K 1.5K 46
                                    

Chapter 20 part 1

Kasalukuang kausap ni Jesica si Emer, pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasal  ng huli. 

"Jessie hindi pwedeng hindi ka aattend sa kasal ko at flower girl ang inaanak ko." paniniyak ni Emer sa kaibigan. 

"I want to ask kung kasama ba si Vincent sa entourage?" alanganing tanong ni Jesica. 

"Of course! pinsan siya ni Dennis. Matagal ko ng napapansin na panay ang iwas mo kay Vincent, may nangyari ba na hindi ko alam? Samantalang noon halos gawin mo ang lahat ng paraan para lang makasagap ng balita tungkol sa lalaking yun." naguguluhan si Emer sa pakikitungo ng kaibigan.

Napabuntong hininga si Jessica, kung hindi lang buntis ang kaibigan ay baka pinuntahan na siya nito para mapaamin lang. "Hwag mo na lang akong pansinin." iwas niya sa tanong nito.

"Sis I know you. Anong ginawa ni Vincent sayo? Bakit mo siya iniiwasan?" hindi talaga susuko si Emer hangga't hindi niya nalalaman ang tungkol sa pag-iwas ni Jesic sa pinsan ng asawa. 

"Promise me that you won't tell it to your husband." paniniyak ni Jesica. Wala na siyang pagpipilian kundi ipagtapat ang totoo sa kaibigan. 

Kinabahan si Emer, ngayon ay sigurado na siyang may itinatago ang kaibigan sa kanya. Maraming pumasok sa isipan niya ng mga dahilan ng pag-iwas ni Jesica pero gusto niyang marinig mula dito ang dahilan.

"Di ba matagal mo na akong kinukulit tungkol sa tatay ni Venice?" simula ni Jesica.

"Oh my God! Don't tell me that he is..." halos hindi maituloy ni Emer ang sasabihin habang nanlalaki ang mga mata nito kahit hindi siya nakikita ng kausap sa kabilang linya. 

"Yes and please Emer hwag mong sasabihin kay Dennis." pakiusap ni Jesica sa kaibigan. 

"Oh God, how did it happen?" hindi pa rin makapaniwala si Emer sa ibinunyag ni Jesica. 

Napabuntong hininga si Jesica. "It's a long story and I know you're too busy. I'll just tell you everything when we have enought time." pag-iwas ni Jesica.

"Jessie, hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung paano nangyari. Saan kayo nagkita ni Vincent? wala ka naman ikinuwento sa akin." mababakas ang pagtatampo sa boses ni Emer.

"I was scared at ayoko ng maalala ang gabing yun." 

Naintindihan ni Emer ang nararamadaman ng kaibigan kaya hindi na niya pinilit na magkwento pa ito. 

"Are you willing to listen?" 

Narinig na tanong ni Emer sa kabilang linya. "Of course, lagi naman akong nakikinig sayo." 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon