Chapter 7 part 2

99.2K 1.7K 35
                                    

Chapter 7 part 2

Nakatanggap ng tawag si Jesica mula sa pinsan na anak ng kanyang tiyahin na nasa Australia, magpapasundo daw ito sa San Francisco International Airport. Talagang nasorpresa silang mag-ina dahil hindi nila inaasahan ang pagdating nito. 

"Jessie, I just talked to Toffer. He's inviting us may bago daw na bukas na restaurant. Are you gonna come with us?" nakangiting tanong ni Emer habang gumagawa ng damit ng barbie doll ni Venice. Hindi talaga siya tinigilan ng bata hangga't hindi niya pinagtahi ng bagong damit ang manika nito. 

"Wow! it's beautiful!" pumapalakpak pa si Venice habang nakatingin sa ginagawa ng ninang. 

Natutuwa si Jesica tuwing nakikita niyang masaya ang anak. Nakikitang niyang matalino ang anak kahit sa murang edad pa lamang nito. 

"Mama, tita ninang is good." masayang baling ni Venice kay Jesica.

"Yes, you're tita ninang is the best that's why I want you be like her when you grow up." nilapitan ni Jesica ang anak at pinupog ng halik.

"Kayong mag-ina talaga ang galing ninyong mambola. Sasama ka ba?" pangungulit ni Emer sa kaibigan.

"Hindi ako makakasama mukhang hindi kayang mag drive ni mommy, sinusumpong ng rayuma." umiiling na tugon ni Jesica.

"Saan ba dapat siya pupunta?" 

"Parating si tita Lucila, younger sister ni mommy na naka base sa Australia.Ako ang susundo sa kanya sa airport." paliwanag ni Jesica.

"Alam ba ng tita mo ang tungkol kay..." sabay tingin ni Emer kay Venice. Libang na libang ang bata sa paglalaro ng barbie doll. 

Umiling si Jesica. "Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksiyon niya and for sure the whole family will be informed about this. Walang palalampasin yang si tita baka nga makarating pa kay daddy ang balita." 

"Kayo kasing mayayaman masyadong iniingatan ang reputasyon." sabay buntong hininga ni Emer.

"Aba! nagsalita ang may hacienda at rancho." nang-aasar na sabi ni Jesica.

"What's your plan after your graduation? maiiwan ka na namin ni Toffer. Babalik na kami ng Pinas at kakausapin ko ang papa na magtatayo ako ng sarili kong negosyo." Maiiwan pa ng isang semester si Jesica, may mga natitira pa siyang units dahil hindi siya nakapasok ng ipanganak niya si Venice. 

"Nag-usap na kami ni mommy tungkol diyan, mauuna silang uuwi ni Venice. Aayusin niya yung mga details para sa dream restaurant ko." nalulungkot si Jesica dahil ang ibig sahin nito ay ilang buwan din siyang mag-iisa sa dito.

"Kung hindi lang ako pinapauwi ng papa, I'll stay here for a while para may makasama ka." nag-aalala pa rin si Emer para sa kaibigan.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon