Chapter 43 part 2

69.6K 1.5K 37
                                    

A.N.

Natagalan ang update guys pasensiya na super duper busy lang ang inyong lingkod ^ ^


Please don't forget to vote and leave your comments :)


____________________________




Chapter 43 part 2



Pagkahatid ni Vincent sa kanyang mama at mama ni Jesica sa sasakyan ng mga ito nagmamadali niyang tinungo ang kanyang kotse.  Pagdating sa sasakyan  ay agad niyang hinagilap ang kanyang cell phone.  Ayaw niya sanang iwan si Jesica na mag-isa sa kwarto ng anak pero bigla niyang naalala na may importanteng tawag siyang hinihintay. Nang mahawakan ang cell phone ay napakunot ang noo niya ng makitang marami siyang missed call galling kay Mr. De Guzman.



"Tito Ben, I'm sorry I missed your calls. Kumusta ang investigation." Agad na nagreturn call si Vincent.



"I need to talk to you in person. I can't tell you the details over the phone." Seryosong tugon ng imbestigador mula sa kabilang linya.



Mabilis na tumahip ang dibdib ni Vincent, mukhang may resulta na ang pinaimbestiga niya. Pero natitiyak niya na kahit may kaugnayan pa si Jesica sa pangyayari ay kaya na niyang patawarin ito. Sobrang mahal niya ang dalaga kaya hindi na niya hahayaan na mawala pa ito sa kanya. "Sana walang kinalaman si Jesica tito." Mahinang usal ni Vicnent.



"That's why I need to talk to you. Para maliwanagan na ang lahat at matapos na ang problema mo. Where are you right now? Pwedeng ako ang pumunta sayo, tumawag ako kanina sa opisina mo at ang sabi ng secretary may importante daw kayong inaasikaso ni Jesica. I hope it's about your wedding." Hirit ni  Tito Ben.



"We're here in St. Lukes, inatake ng allergy si Venice."



 

"How's your daughter?" may pag-aalalang tanong ni tito Ben.



"She's fine now, pero under observation pa rin. May mga lab tests pa rin siyang dapat tapusin."

 

 

"Good to hear that. Nandito lang ako sa Pasig ngayon, pupunta ako diyan para makapag-usap tayo at para madalaw ko rin ang bata." Pagtatapos ni tito Ben.

Nang matapos makipag-usap si Vincent ay nagmamadaling bumalik sa loob ng hospital. Kailangan niyang magpaalam kay Jesica na mawawala siya ng mga kalahating oras, ayaw niya rin naman na mag-isip ito na basta na lang niya sila iniwanan.



Napalingon si Jesica ng maramdaman ang pagbukas ng pinto.  Hindi niya inaasahan na agad na babalik si Vincent. "Akala ko ihahatid mo sila tita Divina?"

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon