Chapter 27 part 1

78.6K 1.5K 37
                                    

Chapter 27 part 1

Kanina pa naiinip sa paghihintay si Lourdes. Nang tumawag siya sa restaurant ng anak sinabi ng manager nito na kanina pa nakaalis si Jesica. Muling tumayo ito at palakad lakad sa marangya nilang living room, hindi siya matatahimik hanggang hindi nakakausap ang anak. 

"Hi mommy!" masiglang bungad ni Jesica. 

"Oh God! Jesica I was calling you but your phone is out of coverage area. Kanina pa pa kita gustong makausap." mahabang litanya ng ginang. 

"Mommy, calm down... low bat ang phone ko at may dinaanan lang ako sa toy store." sabay taas nito sa hawak na shopping bag. 

"Baka mataranta ka rin kapag nalaman mo ang sasabihin ko sayo." umupo ito sa pinakagitnang bahagi ng sofa.

Napakunot ang noo ni Jesica, isang bagay lamang ang maaaring makapagbigay ng alalahanin sa kanya ito ay ang tungkol sa anak. "I'm sure it's about Venice..." 

"Yes, kaya kanina pa ako tumatawag sa restaurant but your staff told me that you were too busy." mabilis na dugtong ni Lourdes sa sasabihin pa ng anak. 

"May event kasi ngayon mommy, kaya isa ako sa mga nag-asikaso ng mga guests. Ano ang tungkol kay Venice?" hindi na nakatiis na tanong ni Jesica.

"Nagkausap kami ni Divina at sinabi niya na kumuha ng investigator si Vincent para alamin ang tungkol sa apo ko. Ibig sabihin lang nito na nagkakanila na siya tungkol kay Venice." pigil hiningang pagkukwento ni Lourdes. 

Gustong magprotesta ni Jesica. Hindi takot ang nararamdaman niya ng mga sandaling yun kundi galit para kay Vincent. "Napakawalanghiya talaga ng lalaking yun, hindi ko palalampasin ito." nanggigigil na tumayo si Jesica at nilapitan ang telepono sa kabilang panig ng living room.

"Anak, sinong tatawagan?" nilapitan ni Lourdes ang galit na anak. 

"Mommy ako ang bahala dito. Kailangan kong makausap ang lalaking yun." 

Napailing na lamang ang ginang. Nakikita niya ang galit sa mukha ng anak. 

Hindi naman nahirapan si Jesica na hanapin ang telephone number ng opisina ni Vincent. Nakailang ring din bago may sumagot sa kabilang linya. "Can I talk to Vincent Almonte?" may awtoridad ang tinig niya. Nahulaan niya agad na ang sekretarya nito ang nasa kabilang linya. 

"Sorry ma'am but he's in the meeting right now." may pagpapaumanhin sa boses ng babae sa kabilang linya. 

'What is the best time to talk to your boss?" hindi siya papayag na hindi makakausap si Vincent ngayong araw. 

"Sorry ma'am I can't tell you the exact time. Kararating lang po kasi ni Mr. Bienvinido De Guzman at mahigpit na bilin niya na bawal po silang istorbohin dahil importante ang pag-uusapan nila. If you want ma'am I can set you an appointment to my boss." prisinta ng sekretarya. Parang alam na niya na ang babaeng kausap ngayon ay isa na naman sa mga fling ng amo. "May I know your name ma'am?" magalang na tanong nito. Kahit naman ilang beses na siya napagsungitan ng mga babae ng kanyang boss ay pinananatili niya pa rin na maging magalang sa mga ito. 

Napaisip si Jesica ng marinig ang pangalan na binanggit ng sekretarya ni Vincent parang pamilyar sa kanya ito. 

"Hello ma'am? are you stil there?" 

Parang nagulat pa si Jesica ng marinig ang boses ng babae sa kabilang linya. 

"Oh yes, sorry may kinausap lang ako." palusot ni Jesica. "Ano nga pala ang name mo?" pinalambing niya ang boses para makuha ang loob ng sekretarya ni Vincent. 

"Levy po ma'am." 

"Levy, pwede ba akong pumunta ngayon diyan kasi I really want to talk to Vincent, it's very important matter. Baka naman maisingit mo ako sa appointment ng boss mo." may himig pakiusap ang tinig ni Jesica. 

Napangiti si Levy, kahit hindi niya pa nakikita ang kausap ay gusto na niya ito para sa boss dahil hindi ito tulad ng ibang mga babae na tumatawag. Halos lahat sa mga ito ay demanding at kung sigawan siya ay walang pakundangan lalong lalo na si Mia ang current girlfriend ng amo.  "Ma'am kaya po ba ninyong makarating dito after an hour?" 

Mabilis na sumagot si Jesica. "Yes, I'll be there after an hour malapit lang naman ako. Thanks Levy." mabilis na niyang ibinaba ang telepono. Natutuwa din siya dahil hindi nakuha ni Levy ang pangalan niya at hindi malalaman ni Vincent na siya ang darating na bisita ngayon. 

"Hija, anong nangyari?" mabilis na nilapitan ni Lourdes ang anak ng makitang tapos na itong makipag-usap. 

"May meeting pa daw siya ngayon, pero after an hour may posibilidad na makausap ko siya. Pupunta ako sa opisina ng Vincent na yun mommy." 

"Jessie, huwag kang basta susugod sa kampo ng kaaway baka mapano ka dun." nag-aalala ang matandang babae para sa anak. 

"Mommy, ako ang bahala dito. Trust me okay." tinapik pa niya ang balikat ng nag-aalalang ina. 

Nagpakawala na lamang ng buntong hininga si Lourdes alam niya na kahit pigilan niya ang anak ay hindi ito makikinig sa kanya. "Basta mag-iingat ka." 

Tumango si Jesica pero ng akmang tatalikod na siya ay biglang may naalala. "Mommy, may kakilala ka bang Bienvenido De Guzman? His name sounds familiar to me." 

"Yes, I know him. Bakit?" 

"Siya ang kausap ni Vincent ngayon at bawal.."

"Oh God! mabuti pa puntahan mo na si Vincent. Si Ben ang isa sa may pinakamagaling na investigation agency. Mukhang kailangan mo ng sabihin ang katotohanan kay Vincent because later on whether you like it or not he will know the truth." 

"Mommy, don't worry I will handle this matter." nginitian ni Jesica ang ina. Kailangan na niyang makaalis para makausap si Vincent tungkol sa mga kalokohan nito. 

____________________________

A.N.

Sorry guys medyo natagalan akong mag update may mga inasikaso lang ako :)

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now