Chapter 30 part 1

84.2K 1.8K 67
                                    

Chapter 30 part 1

Wala nang nagawa si Jesica ng igiya siya ni Vincent sa sasakyan nito, naging sunud-sunuran na lamang siya dito dahil alam niyang pinapanood sila ng kanyang mommy.

“I’ve told you na ako ang sasama sa iyo.” Baling ni Vincent sa kanya bago nito binuhay ang makina ng sasakyan.

“Mas komportable akong kasama si Toffer at isa pa alam na niya ang mga gusto kong i-discuss sa engineer. Wala ka ring karapatan na diktahan ako kung sino ang mga taong pwede kong pakisamahan, matagal ko ng kaibigan si Toffer.” Nakasimangot na tugon ni Jesica, parang nakikita na niya ang mangyayari mamaya sa meeting nila siguradong mamanipulahin ni Vincent ito.

Bumuntong hininga na lamang si Vincent, naiinis din siya sa sarili dahil kapag may kinalaman kay Jesica ay sinusubok ang kanyang pasensiya. “Pwedeng matulungan kita sa contruction ng restaurant mo.”

Mabilis na umiling si Jesica. “I know you’re one of the owners of the biggest construction company, ayokong magkaroon ng utang na loob sayo.”

“Jesica, I just want to help para hindi ka mahirapan.”

“I don’t need your help, napalaki ko nga si Venice na wala ang tulong mo.” Pananalakab ni Jesica sa binata.

Nanahimik si Vincent at itinuon na lamang ang pansin sa pagmamaneho. Siguro kung hindi niya pinagtabuyan si Jesica noon ay hindi siya mahihirapang suyuin ito. Kung nalaman niya noon pa na may anak sila nito ay baka kasal na sila ngayon dahil hindi siya ang tipo ng lalaking tumatakbo sa responsibilidad. Kaya ngayon ay sisiguraduhin niyang makakasama niya ang anak sa ayaw at gusto ni Jesica.

Napansin ni Jesica ang pananahimik ni Vincent, alam niyang nasaktan niya ito sa mga salitang binitawan niya. Pero kung ikukumpura ang mga naranasan niyang pagsasakripisyo ay kulang pa ang mga salitang iyon.

Sa buong durasyon ng meeting ay hindi nakialam si Vincent tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan, inabala na lamang niya ang sarili sa pagmamasid kay Jesica habang ito ay nakikipag-usap sa taong incharge sa construction. Napakaamo talaga ng mukha ng dalaga ang kinaiinis lang niya ngayon ay ang paraan ng pakikipag-usap nito. Kapag siya ang kausap ni Jesica ay laging nakasinghal samantalang ngayon ay malumanay ang bawat salitang binibitawan niya.

“Let’s go.” Baling ni Jesica kay Vincent.

Parang nagulat pa si Vincent ng balingan siya ni Jesica. Hindi na niya namalayan na tapos na pala ang meeting.

“Okay.” Mabilis na tumayo si Vincent at inalalayan ang dalaga.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon