Chapter 35 part 2

82.9K 1.6K 40
                                    

 Chapter 35 part 2

Maaga ng kalahating oras si Vincent ng makarating sa mansion ng mga Tenorio. Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa paglabas nila ni Jesica. May mga plano na siya na alam niyang sa ayaw at gusto ni Jesica ay papaya ito.

“Sir Vincent ang aga po ninyo, wala pong naibilin sa akin si Ma’am Jesica na darating kayo ngayon.  Nagtatakang sabi ni Nana Salud, hinatid niya ang binata sa sala.

“May usapan kami ngayon ni Jesica.

“Naku sir, natutulog pa ang mag-ina mo. Ang mabuti po mag-almusal muna kayo habang hinihintay si ma’am Jesica.

“Hindi na po, sabay po kaming mag-aalmusal ni Jesica ngayon sa restaurant niya. Magalang na tanggi ni Vincent. “Nana Salud nandiyan po sina Mr. and Mrs. Tenorio?

Si sir Alejandro maaga pong umalis, pero si ma’am Lourdes baka bababa nay un maya-maya.

 

Nakahinga ng maluwag si Vincent dahil hindi siya komportableng makipag-usap sa ama ng dalaga. Kailangan muna niyang maisagawa ang mga plano niya dahil alam niyang hindi nito mapapayagan ang gusto niyang mangyari.

 

“Nana Salud, dumating na ba yung mga documents? Tanong ni Jesica habang pababa ng hagdan. Halatang bagong gising lamang ito dahil ipinatong lamang niya ang kanyang roba sa pantulog. Wala pa sana siyang planong bumangon dahil napuyat siya kagabi kaya lang ay bigla niyang naalala ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan ngayon.

Agad na napako ang tingin ni Vincent kay Jesica ng marinig niya ito. Nagustuhan niya ang nakikita ngayon, kahit bagong gising ang dalaga at walang bahid ng kahit na anong make-up ay talagang masasabi niyang napakaganda nito. Mukha ngang nakalimutan na ng dalaga ang pinag-usapan nila kagabi na susunduin niya ito para sabay silang mag-almusal.

“Tumawag kanina yung taong magdadala, ang sabi ay papunta na raw siya. Mabilis na tugon ng matandang katiwala. “Oo nga pala, may bisita ka. sabay tingin ni Nana Salud sa direksiyon ni Vincent.

Agad na nahagip ng paningin ni Jesica si Vincent. Nakita niyang titig na titig ito sa kanya, bigla niyang natampal ang noo. Nakalimutan niya na may breakfast meeting pala siya kay Vincent. “Oh boy! Sorry Vincent I almost forgot our meeting. Magbibihis lang ako. Hindi na niya hinintay na makasagot si Vincent mabilis na siyang tumalikod dahil hiyang hiya din siya sa ayos niya. Kung pwede lamang na lumubog siya kanina sa kinatatayuan niya ay hiniling na niyang mangyari ito.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon