Chapter 44 part 1

74.7K 1.5K 59
                                    

Chapter 44 part 1

"Kumusta ang apo ko?" Bungad ni Alejandro. Nakita niyang medyo namumutla pa si Venice. Nilapitan niya ito at hinagkan sa noo. Kaninang nalaman niya na isinugod sa hospital ang apo ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa, si Vebnice ang nagging daan para makalapit muli sa kanyang pamilya kaya mahal na mahal niya ang bata.



"Daddy, where have you been?" Sita ni Jesica sa ama. "Tumawag ako sa office mo pero ang sabi sa akin ni Ofel na maaga kang umalis." Tukoy ni Jesica sa secretary ng kanyang ama. Napansin niya na mukhang may mabigat itong problema.




"May mga inasikaso lang ako anak, I'm sorry I wasn't here ng nasa ICU pa si Venice. Your mom told me na ligtas na siya." Nagpakawala ito ng mamalim na buntong hininga. Awang awa siya sa apo habang tinititigan ito. Kung pwede lamang na akuin na niya ang karamdaman nito ay gagawin niya para maibsan lang ang paghihirap nito.




"Daddy, can we talk?" Seryosong turan ni Jesica sa ama. Hindi na niya kayang ipagpaliban ang tungkol sa sinabi ng kanyang tita Lucila.




Medyo ikinakunit ng noo ni Alejandro ang tonong ginamit sa kanya ng anak. Tuwing ganito kaseryoso si Jesica ay alam niyang may problema. Hinila niya ang isang silya at naupo sa tabi ng apo habang si Jesica ay nakatayo sa harap niya. "Mukhang seryoso ang pag-uusapan natin hija, mabuting umupo ka muna dahil nahihilo ako sa kakalakad mo." Pilit ang ngiti sa mga labi ni Alejandro.




Bumalik sa sofa si Jesica at pabagsak na sinalampak ang katawan. "Dad, may nalaman ako tungkol kay Carmen."




"Anak, tinapos ko na ang relasyon naming. I've realized na mahal ko ang mommy mo, mahal kita at ang aking apo. Gusto kong isaayos muli ang pamilya natin." Tila maiiyak ito habang nagsasalita.




Habang pinakikinggan ni Jesica ang ama ay hindi niya napigilang umalpas ang mga luha. Nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito.





Mabilis na nilapitan ni Alejandro ang anak at mahigpit na niyakap para aluin. "Kalimutan mo na ang tungkol sa babaeng iyun, natauhan na ang daddy mo." Masuyo niyang hinaplos ang buhok ni Jesica pinunasan ang mga luha sa pisngi nito.




"Hindi pwede dad, kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya kay Venice."




Biglang naguluhan si ALejabdro, hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Jesica. "What do you mean anak? Paano na involve si Carmen sa..."

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon