Chapter 25 part 2

83.9K 1.5K 44
                                    

Chapter 25 part 2

Pigil ang hininga ni Jesica ng itulak ang pinto ng kwato ng kanyang mommy. Natatakot siya na makita ito sa nakakaawang lagay. “Daddy, I’m scared.” Nanginginig ang boses niyang baling sa ama na nakatayo sa likuran niya.

 

“Okay na ang mommy mo, kailangan na lang niya ng pahinga that’s why she’ll stay here for few days.” Si Alejandro na ang nagbukas ng tuluyan sa pinto para makapasok sila.

Pagkakita ni Jesica sa inang natutulog ay agad niyang nilapitan ito at hinalikan sa noo. Hindi niya rin napigilan ang pagtulo ng mga luha. Nasanay siya na ang kanyang mommy ang nag-aalaga sa kanya kaya naninibago siya sa ganitong sitwasyon.

“Jessie, why are you crying?” nanghihinang tanong ni Lourdes. Hindi namalayan ni Jesica na nagising ang kanyang ina.

“You scared us.” Mahigit niyang niyakap ito.

“Anak, mahina pa ang mommy mo. Let here rest first.” Paalala ni Alejandro.

“Daddy, ako na muna ang magbabantay kay mommy. I know you’re tired, tatawagan ko si Mang Mario para sunduin kayo.”

“I’m okay, ikaw ang umuwi dahil mas kailangan ka ng apo ko.” Pagtataboy ni Alejandro sa anak.

“Mommy..” humihingi ng tulog sa ina.

“Ikaw na ang umuwi Jesie, ang daddy mo ang may kasalanan kung bakit ako nandito kaya dapat siya ang magbantay sa akin.”

Nanlaki ang mga mata ni Jesica sa sinabi ng ina. Halos dalawang araw lamang silang nawalang mag-ina, mukhang may pagbabagong nangyari sa pagitan ng mga magulang.

“D-Don’t tell me…” nakangiting sabi nito sa ina.

 "Jesie,tama ang mommy mo. Ako na ang bahala dito." sang-ayon ni Alejandro sa asawa. 

"Ang sabihin mo lang daddy gusto mong masolo si mommy." tudyo niya sa mga ito. 

Natawa si Alejandro sa sinabi ng anak. "Oo na, gustokong masolo ang mommy mo kaya umuwi ka na." pagtataboy nito sa anak. 

Mommy, magpagaling ka ha.” Nilapitan ni Jesica ang ina at hinalikan sa kanang pisngi.

Nginitian ni Lourdes ang anak. “You’re worrying too much anak. Okay na ako konting pahinga lang makakapagtrabaho na naman ako”

 

“No! hindi ka na magtatrabaho. Just assign Lucila to take over your position.” Mahigpit na tutol ni Alejandro.

“I think I have to go. Daddy  ikaw na ang bahala kay mommy.” Sabay kindat nito sa ama bago tuluyang lumabas.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon