Chapter 33 part 2

84K 1.8K 94
                                    

Chapter 33 part 2

Kinakabahan si Jesica ngmga sandaling yun, wala siyang maisip kung ano ang pag-uusapan ng dalawang lalaki. Kitang-kita niya na halos umapoy sa galit ang mga mata ni Vincent. Kailangan niyang malaman kung ano ang ikinagagalit na naman ng binata dahil napapagod na rin siyang laging nakikipagtalo dito.

“Jessie, nakita ko sina Franco at Vincent sa terrace mukhang may seryosong pinag-uusapan. Bungad ni Lourdes sa kusina. Inabutan niyang malalim ang iniisip ng anak.

“Hindi ko nga alam mommy kung anong nangyayari kay Vincent bigla na lang sumugod dito na parang galit nag alit. Naguguluhang sagot ni Jesica. “Maybe I’ll talk to him pagkatapos nilang mag-usap ni Franco.

Lihim na napangiti si Lourdes ng marinig ang sinabi ng anak. Nagdiriwang ang pakiramdam niya ng mga sandaling yun. “Huwag mo na lang pansinin yang si Vincent, lagi namang galit sa mundo ang lalaking yan.”  

 

“One more thing mommy, naguguluhan ako sa mga ikinikilos ni Franco, hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari. Umiiling na sabi ni Jesica.

 

 

 

“Ang isipin mo na lang muna ay ang mga bagong recipes na idadagdag mo sa menu sa restaurant mo, huwag mong sayangin ang oras mo sa kanila. Tinatawagan ka ba ni Vincent para magpaalam sa pagdalaw kay Venice?

“No, sinabihan lang ako ni Nana Aning kanina.”  

“Kapag nagkausap kayo hija you should discuss this matter para alam natin kung kalian niya dadalawin ang apo ko dahil baka magpunta siya dito ng wala tayo mag-init ang ulo niya. Gusto ni Lourdes na nakahanda sila ni Franco tuwing dadalaw si Vincent.

 

“Don’t worry, I’ll discuss it to him kapag nagka chance kaming mag-usap.

Samantalang sina Franco at Vincent ay seryosong nag-uusap. Halos hindi maipinta ang mukha ni Vincent habang nakikipag-usap.

“Franco, may relasyon ba kayo ni Jesica? Diretsong tanong ni Vincent.

“I think it’s none of your business. Taas noong sagot ni Franco, nginisihan niya pa ito ng nakakaloko.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon