Chapter 18 part 2

77.6K 1.7K 46
                                    

Chapter 18 part 2

Maaga pa lamang ay bihis na bihis na si Lourdes ngayon ang usapan nila ni Alejandro na makikipag-usap sa mag-asawang Almonte. Sinabihan niya ang asawa na magkita na lamang sila para hindi na maabala ito sa pagsundo sa kanya, ngunit hindi pumayag si Alejandro.

“Aning wala pa ba si Alejandro?” naiinip na tanong ni Lourders ng maabutang naglilinis sa sala ang matandang katiwala.

“Naku, wala pa po ma’am. Mukhang nagkakasundo na po kayo ulit ni sir.” Masayang pahayag ni Manang Aning, hindi na nahihiyang magpahayag ng nararamdaman ang matanda dahil parang pamilya na siyang ituring ng mga amo.

“Malabong manyayari yun, kung hindi lang kinakailangan na kasama ako sa meeting na ito ay nunca na makikipag-usap pa ako sa lalaking yun.” Malungkot na sabi ni Lourdes.

“Hindi po namin akalain na mangyayari ito sa pamilya ninyo. Sana po dumating ang araw na maging maayos ang lahat.” Matapat na sabi ni Manang Aning.

Nginitian lamang ni Lourdes ang matanda dahil hindi niya rin alam kung ano ang mangyayari sa mga darating na araw.

“Ma’am nandito na po si sir.” Magalang na anunsiyo ng isa sa mga kasambahay.

“Manang kapag tumawag si Jesica hwag ninyong sasabihin sa kanya na kasama ko ang papa niya.” Mahigpit na bilin ni Lourdes. Ayaw niyang mag-alala ang anak habang nagbabakasyon.

“Yes ma’am.” Mabili na tugon ni Manang Aning.

“Are you ready?” malumanay na tanong ni Alejandro ng maabutan ang asawa na nakikipag-usap pa sa isa sa mga kasambahay.

Tumango na lamang si Lourdes at dire-diretso na siyang pumunta sa kinapaparadahan ng sasakyan ng asawa, hindi na rin niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto. Tahimik lamang siya sa tabi ni Alejandro, wala siyang planong makipagkwentuhan dito.   

“Ikaw na pala ulit ang namamahala ng kumpanya ninyo.” Basag ni Alejandro sa katahimikan.

“Hwag mo nang alamin pa ang mga nangyayari sa buhay ko ang asikasuhin mo ang pagmamaneho mo.” Nakasimangot na tugon ni Lourdes.

Napabuntong hininga na lamang si Alejandro at hindi na muling umimik hanggang sa makarating sila sa Italian restaurant na kung saan ang usapan nila ni Francis Almonte.

Nasa pintuan pa lamang sina Alejandro at Lourdes ay agad na silang nakita ni Divina. Inihanda niya rin ang matamis na ngiti para sa mag-asawang papalapit sa kanilang mesa.

 

“Sorry medyo na traffic kami.” Hinging paumanhin ni Lourdes ng makalpit sa mag-asawang Almonte.

 

“That’s okay, maaga pa naman.” Nakangiting tugon ni Divina at agad na nakipagbeso beso dito.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon