Chapter 18 part 1

78.3K 1.5K 40
                                    

Chapter 18 part 1

Walang kaalam-alam si Alejandro na kanina pa nakikinig si Lourdes habang nakikipag-usap siya sa kanilang anak.

 

“Dahil sa ginawa mo baka lumayo na ng tuluyan ang loob ng anak mo sayo. Walang emosyong sabi ni Lourdes habang umiiling.

“Yun naman talaga ang gusto mo di ba?! Kaya kung anu-anong kasiraan ko ang sinasabi mo sa kanya. Medyo malakas na ang boses ng matandang lalaki.

Dati-rati tuwing tumataas ang boses ni Alejandro ay natatakot si Lourdes pero ngayon ay hindi man lang ito natinag. Matapang niyang hinarap ang asawa. “Kung gusto kitang siraan sa anak mo sana sinabi ko sa kanya na I was victim of rape and was forced to marry to a monster! nanginginig sa galit ang ginang. Pilit niyang itinatago kay Jesica ang madilim niyang nakaraan. “Pero hindi ko ginawa yun, pinalabas ko sa harap ng sarili kong anak na ako ang masama, na ako ang pumilit sa ama niya na pakasalan ako dahil pilit kong pinoprotekhan ang imahe mo sa kanya. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Lourdes, matagal na panahon niyang kinikimkim ang paghihirap na dinanas niya kay Alejandro.

Sa tagal nilang nagsamang mag-asawa ay ngayon lamang nakita ni Alejandro ang galit sa mukha ng asawa. Noon tuwing may mga argument sila ay lagi lamang itong mahinahon kahit kalian ay hindi siya sinigawan nito kahit ilang beses na niyang niloko.

Mabilis na nilapitan ni Alejandro ang asawa at mahigpit na niyakap. Habang yapos niya ito ay may awang bumalot sa puso niya para dito. “I’m sorry Lulu, kung maibabalik ko lang ang nakaraan hindi ko gagawin yun.. tila may isang kamao ang pumipiga sa puso niya ng mga sandaling yun.

Pilit na kumalas si Lourdes sa pagkakayapos ng asawa habang pinupunasan ang mga luha. “Alam ko dahil sa drugs kung bakit mo nagawa sa akin yun, ang gusto lang naman ay hayaan mo ang iyong anak na siya ang magdesisyon para sa kanyang sarili. Ayoko siyang matulad sa akin, kaya hwag mong ipagpilitan si Vincent sa kanya. May halong pakiusap na ang boses nito.

Matamang tinitigan ni Alejandro si Lourdes bago muling nagsalita. “Hindi ko sila ipagpipilitan na ipakasal ang gusto ko lang naman na makuha ng apo ko ang karapatan ng isang Almonte.

 

“Para ano pa? hindi natin kailangan ang kayamanan nila. Protesta ni Lourdes.

“It’s not about the money, karapatan din ng bata ang malaman ang tunay na pagkatao niya. Nasa kay Vincent na ang pagpapasya kapag nalaman niya ito. Pilit na paliwanag ni Alejandro. 

 

“Sa tingin ko you’ve already made your decision. Umiiling na sabi ni Lourdes.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon