Epilogue

123K 2.4K 145
                                    

A.N.

Maraming salamat po sa lahat ng nagtiyaga na suportahan ang kwento nina Vincent at Jesica.. ^ ^


Sana po suportahan nyo rin ang kwento ni Dale Rafael (anak nina Gabriel at Althea) sa "Love Begins Here".

Thank you again guys and I love you :)

Please favor naman paki support ang audiobook ko sa yt (terelou1220). Thank you so much.

_________________________________________





Epilogue


After 6 months







"Hija, sa lahat naman ng nalalapit ng ikasal ikaw ang malungkot. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Lourdes habang abala ang anak sa pagbubuklat ng mga wedding catalogue.








"Mommy, don't mind me. Siguro stress lang ako sa preparation." Pilit na nginitian ni Jesica ang ina. Ayaw niyang ipahalata na kahapon pa siya nag-aalala dahil sa nalaman tungkol kay Vincent.








"Ikaw din naman kasing bata ka, ilang beses na kaming nagvolunteer ni Divina na tulungan ka pero ayaw mong makialam kami."








"Syempre it's my wedding gusto ko ako mismo ang mag-aasikaso nito." Pilit niyang pinapasigla ang boses pero sa totoo lang ay kanina pa niya gustong humagulgol.








Kahapon ay nakatanggap siya ng tawag galing kay Emerald dahil dito kaya nagngingitngit ang kalooban niya ngayon. Kanina pa niya gustong tawagan si Vincent para komprontahin at nang maliwanagan siya kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng lalaki.








"Haay, ilang araw na lang kukunin na kayo sa akin ni Vincent." Reklamo ni Lourdes, hindi niya alintana na may gumugulo sa isip ng anak.








"Mommy, gusto mo bang huwag nang matuloy ang kasal?" seryosong tanong ni Jesica.








"What?! Are you kidding me?!" Napatayo pa si Lourdes mula sa kinauupuan at pinagmasdang mabuti si Jesica habang patuloy lang itong nagbubuklat ng catalogue. "May problema ba kayo ni Vincent? Nag-away ba kayo? May ginawa na naman bang kalokohan ang lalaking yun?" sunud-sunod na tanong nito sa anak.








Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang mag-ina. Pinag-iisipang mabuti ni Jesica kung sasabihin niya sa kanyang mommy ang tungkol sa itinawag ni Emer.








"Jessie... " tawag ni Lourdes sa anak.








"Mommy, don't worry hindi kami nag-away ni Vincent. Ganito lang siguro ang pakiramdam ng malapit ng ikasal." Sabay ngiti sa ina. Napagdesisyunan niya na kailangan muna niyang kausapin si Vincent bago magsumbong sa mga magulang. Ayaw na niyang lumala ang sitwasyon.







"Are you sure?" nananatiyang tanong ni Lourdes. Hindi siya kumbinsido sa dahilan ng anak, nararamdaman niya na may problema ito na hindi sinasabi sa kanya.








If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon