Chapter 34 part 2

85.7K 1.8K 76
                                    

Chapter 34 part 2

Kinakabahan si Jesica habang naghihintay sa dalawang binatang kausap ng kanyang daddy  sa study room. Nitong mga nakaraang araw ay naguguluhan siya sa mga ikinikilos ni Vincent, ayaw niyang isipin na nagseselos ito kay Franco dahil ang alam niya ay ang tanging gusto ng binata ay magkaroon ng karapatan kay Venice.

 

“Jesica, will you please sit down. Ako ang nahihilo sayo. Kampanteng sabi ni Lourdes habang nagbabasa ng newspaper.

“Mommy, anon a kaya ang nangyayari sa loob? sabay tanaw sa pintuan ng study room.

 

“Let your dad handle this situation para naman may silbi siya. Nakaismid na turan ni Lourdes.

“Mom! Nanlalaki ang mga mata ni Jesica dahil sa huling sinabi ng ina. Mula noong nagkaisip siya ay hindi niya naringgan ng mga negatibong salita ang ina tungkol sa kanyang ama.

“What?! Patay malisyang tanong ni Lourdes.

Akala ko okay na kayo ng daddy?

Napailing si Lourdes at ibinaba sa center table ang binabasang diyaryo. “Hindi na kami magiging okay ng daddy mo. Hahayaan ko na lang siya sa Carmen na yun.

 

 

“Mommy, hindi mo ba ipaglalaban ang karapatan mo? umupo si Jesica sa tabi ng ina. Saglit niyang nakalimutan ang pansariling alalahanin.

“I’m too old for this; I just want to enjoy my remaining days with you and Venice. Ikaw ang may dapat ayusin sa pagitan ninyo ni Vincent.

 

“Bakit nasama na naman si Vincent dito?”  nakasimangot si Jesica.

 

“Hija, lumalaki na si Venice. Kailangan niya ng buong pamilya, ayokong pagsisihan mo ang pagmamatigas mo ngayon.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang mag-ina. Ayaw magkamali ni Jesica ng isasagot sa ina dahil baka makahalata ito sa totoong nararamdaman.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon