Chapter 37 part 2

73.1K 1.6K 52
                                    

Chapter 37 part 2

Naabutan pa ni Divina ang galit na si Mia sa labas ng opisina ng pamangkin. Gusto sana niyang lampasan na lang ang babae kaya lamang ay ito ang nagmamadaling lumapit sa kanya.

“Tita Divina, alam niyo ba ang kalokohang ginagawa ng pamangkin ninyo?” Wala pag-aatubiling tanong ni Mia.

“What are you talking about?” nakataas ang kilay na balik tanong ni Divina. Kung hindi lamang labag sa kagandahang asal ay baka siya na mismo ang kumaladkad dito palabas ng kumpanya nila.

“One of my friends saw him this morning with that bitch. Hindi na niya ako binigyan ng kahihiyan!” Nanggigigil si Mia habang nagsusumbong kay Divina.

“The bitch that you’re talking has a decent name.” Diin ni Divina, hindi niya nagustuhan ang pananalita ng dalaga. “Ano ba ang mali kung kasama ni Vincent si Jesica and beside she has all the right to talk to Vincent?”

 

“So, kinakampihan ninyo ang babaeng yun dahil lang may anak siya sa pamangkin ninyo kaya hinahayaan nyo ang kalokohan niya.”  Mataas na ang tono ng pananalita ni Mia, wala na siyang pakialam kung sino ang kaharap niya.

“Aba! Huwag mo…”

Pumagitna ang sekretarya ni Vincent ng makitang namula sa galit ang ginang. “Ma’am hinihintay na po kayo ni Sir Vincent sa loob.” Mabilis niyang inalalalayan si Mia, bahala na siyang magpapaliwanag kay Divina mamaya. Ang mahalaga ay mailayo niya sa matanda ang walang respetong dalaga.

“Just leave us; I wanna talk to this woman!” Dumadagundong na ang boses ni Divina.

Walang takot na sinalubong ni Mia ang matatalim na tingin ni Divina. Ipinanganak siyang walang kitatakutan at kaya niyang kuhanin ang lahat ng magustuha. Hindi siya makakapayag na maaagaw ng ibang babae si Vincent .

Mabilis naman na napaatras ang sekretarya, nakaramdam siya ng takot ng marinig ang mataas na boses ni Divina. Ilang taon na rin siyang naninilbihan sa mga Almonte pero ngayon lang niyang nakitang nagalit ng husto ang among babae.

 

“Yeah you’re right dapat mag-usap muna tayo dahil sa ayaw at gusto ninyo ay tatanggapin mo ako sa pamilya ninyo. “ Maarteng umupo ang dalaga sa couch na naroroon.

Napigilan ni Divina ang hininga ng marinig ang sinabi ni Mia. Ngayon niya napatunayan na totoo ang mga balitang naririnig niya tungkol sa kagaspangan ng ugali nito. Kung nasa harapan lamang nagyon nila si Vincent ay sisisihin niya ito kung bakit sa dinami dami ng babaeng na link sa kanya ay ito pang walang modong babaeng ito ang napili.

“Hindi na kayo nakakibo diyan… akala ko ba mag-uusap tayo?”

Agad na nakabawi si Divina at taas noong hinarap ang babae. “Ayoko sanang makialam sa relasyon mo sa pamangkin ko kaya lang ngayong ipinakita mo na ang totoo mong ugali… Ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi ka mapakasalan ni Vincent!”

“Do you think my parents will allow that?” Nakangising tanong ni Mia, hindi niya pwedeng ipakita sa matandang babae ang kabang naramdaman tungkol sa huling sinabi nito.

 

“Whether they like it or not, hindi ako makakapayag na magpakasal si Vincent kung ikaw lang naman ang bride.”

 

“Then prepare the documents because any moment my father will withdraw our investments in your company.” Ito ang huling alas ni Mia para mapatumba niya ang matayog na Divina Almonte. Sinisiguro niya na magpapakumbaba ito ngayon.

“That’s great! I don’t wanna do any business with your family. And besides hindi kawalan ang investment ng mga magulang mo, our company can stand alone without investors. I hope you know that.”  Tinapunan ni Divina ng nakakalokong ngiti si Mia. Kitang kita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito.

Ilang Segundo ang pinalipas ni Mia para pakalmahin ang sarili. Ngayon niya na realized na hindi niya masisindak ang kaharap kailangang gamitan niya ito ng ibang taktika. Pinalungkot niya ang mukha bago lumapit sa nakatayong ginang.

 

“Tita, I’m sorry.  Sobrang mahal ko lang po si Vincent kaya ako nagkakaganito.” Mabilis niyang hinawakan ang kanang kamay ng matanda.

Napakunot ang noo ni Divina ng makitang halos maglumuhod sa harap niya si Mia. Biglang nagbago ang ihip ng hangin, ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay nagpapakumbaba na ito samantalang kanina ay ang lakas ng loob nitong sagut sagutin siya.

Tinitigan ni Divina ang naluluhang dalaga. “Kahit ilang beses ka pang humingi ng tawad ay hindi ko na makakalimutan ang pagtratong ginawa mo sa akin.” Matigas na pahayag niya.

 

“Ako ang fiancée ng pamangkin ninyo dapat ako ang kinakampihan ninyo…” Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ng ginang.

“Do you really love him? Or nakikita mo si Vincent as your trophy?”  Walang pag-aatubiling tanong ni Divina.  Hindi niya palalampasin ang walang respetong babaeng ito, sa totoo lang ay kanina pa niya pinipigilan ang sarili dahil kanina pa niya gustong sampalin ito.

Natigilan si Mia sa tanong ni Divina. “I love him.” Mahinang tugon ni Mia.

Hindi naniniwala si Divina sa sinabi ni Mia. “If you really love him dapat hayaan mo siyang maging masaya. At alam mo ba ang makakapagpasaya kay Vincent?”

 

Unti-unting binitawan ni Mia ang kamay ni Divina dahil parang alam na niya ang susunod na sasabihin nito.

 

“Magiging masaya si Vincent kung hahayaan mo siyang makasama ang mag-ina niya.” Patuloy na sabi ni Divina. Lumuwag ang pagkakangiti ng ginang na makitang namumutla si Mia.

“No! Hindi ako makakapayag!” Mabilis na tumalikod si Mia at walang pakundangan na pumasok sa pribadong opisina ni Vincent.

Nagkibit balikat na lamang si Divina, alam niyang mahihirapan si Vincent kay Mia. 

_________

A.N.

Hindi ko akalain na makakapag UD ako ngayon. Super busyyyyy po...

Happy reading.. please don't forget to vote and leave your comments :)

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon