Chapter 19 part 2

86K 1.6K 50
                                    

Chapter 19 part 2

Nang araw din na yun ay bumalik na ng Pilipinas ang mag-ina dahil natatakot si Jesica na makita ni Vincent ang anak. Mabuti na lamang ay laging nasa tabi niya si Toffer, ito ang gumawa ng paraan para maayos ang plane ticket nila. 

Mula sa NAIA ay nagtaxi na lamang sila, ayaw na rin niyang istorbohin ang kanyang mommy para sa pagsundo sa kanila. Mabuti na lamang ay nakapagshopping na siya noong isang araw para sa mga pasalabong niya. 

"Ma'am, bakit hindi po kayo nagpasabi na ngayon pala ang uwi nyo? Akala namin sa isang linggo pa ang balik ninyo." nagtatakang tanong ni Manang Aning habang tinutulungan siyang magbaba ng bagahe nila mula sa taxi. 

"Kailangan na po kasi ako sa restaurant, gusto ko mang pahabain pa ang bakasyon namin hindi na po pwede." nakangiti niyang tugon dito.  "Nandiyan po ba ang mommy?" tanong ni Jesica habang karga ang anak papasok sa bahay. 

"Nasa taas siya nagpapahinga, tumaas ang blood pressure niya kanina kaya tinawagan ko si Dr. Francisco." makikita sa mukha ng matanda ang pag-aalala. 

Nag-alala rin si Jesica para sa ina. "Ano po ang sabi ni doc?" 

"Dahil daw sa pagod, ito kasing si ma'am Lourdes halos hindi na nagpapahinga kagaya mo na rin na workaholic. Talagang nag-alala kaming lahat ng bigla siyang nahilo kaya sa katarantahan ko natawagan ko si sir Alejandro nakalimutan ko na hiwalay na pala sila." umiiling na paliwanag ng matada. "Siguradong magagalit sa akin si ma'am Lourdes kapag nalaman niyang pinaalam ko sa daddy mo." 

"Hwag po kayong mag-alala ako na ang magpapaliwanag sa kanya, ano ang sabi ng daddy?" gustong malaman ni Jesica ang naging reaksiyon ng ama ng malamang may sakit ang ina. 

"Wala namang sinabi ang daddy mo basta na lang ibinaba ang telepono." Malungkot na sumbong ni Manang Aning.

Napailing na lang si Jesica malapit na siyang mawalan ng pag-asa mukhang malabo ng mabuo pa ang pamilya nila. Dinala ni Jesica ang anak sa kwarto nito at hinayaan munang makapagpahinga ang bata. 

Marahan na kumatok si Jesica sa masters bedroom bago tuluyang pumasok. Dahan dahan siyang lumapit sa natutulog na ina at dinampian ng magaan na halik ang kanang pisngi nito. Matagal na pinagmasdan ni Jesica ang kanyang mommy kahit may edad na ay hindi pa rin kumukupas ang kagandahan nito, hindi niya rin lubos maisip na maipagpapalit pa ng kanyang daddy ito. Alam niyang walang perpekto pero masasabi niyang naging mabuting asawa at ina ito. Humiga siya sa tabi ng ina at niyakap ito, matagal na rin niyang hindi nakakatabi ito sa pagtulog.

Unti-unting iminulat ni Lourdes ang mga mata ng maramdaman niyang may nakayakap sa kanya. "Jessie, what are you doing here?" nagulat ito sa presensiya ng anak. Ang alam niya ay nag-eenjoy pa ito sa Singapore. 

"Mabuti na lang pala umuwi na kami, sabi ni Manang Aning puro trabaho daw inaatupag mo." nakaingos niyang turan sa ina.

"Yan talagang si Aning exaggerated, nahilo lang ako dahil mainit ang panahon natin ngayon." 

"Mommy, hwag ka ng magpalusot. Ngayon nakauwi na kami ni Venice I'll monitor your working schedule." parang batang ang pinagsasabihan ang ina. 

"Tell me the truth Jesica, bakit biglaan kayong umuwi ng apo ko? May nangyari ba sa Singapore?" Nalaman ni Lourdes kay Divina na nagpunta rin si Vincent sa Singapore.

"Mommy, you're worrying too much. We missed you kaya umuwi na kami ni Venice at mabuti na lang kasi mukhang wala kang plano sa ipaalam sa akin na may sakit ka."  sabay halik nito sa noo ng ina.

Yun ang tagpong inabutan ni Alejandro, kaninang tinawagan siya ni Manang Aning ay nasa kalagitnaan siya ng meeting. Agad siyang nagpaalam sa mga ito para malaman ang kalagayan ng asawa. Habang nasa biyahe sila ay gusto na niyang agawin sa driver niya ang manibela pakiramdam niya ay ang bagal nitong magmaneho. 

"Daddy!" nabigla si Jesica ng makita ang nagmamadaling ama. 

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Lourdes.

Hinila ni Alejandro ang silyang naroroon at naupo malapit sa kinahihigaan ng asawa. Kitang kita ang pagod sa mukha ng asawa. "Tinawagan ako ni Aning sinabi niyang nahilo ka daw. What happened? Dumating na ba si Dr. Francisco?" halata sa boses nito ang pag-aalala. 

Napapangiti si Jesica habang nakikinig sa mga magulang. 

"Don't worry about me, I'm just tired. Pahinga lang ang kailangan ko. Iyang anak mo ang kausapin mo mukhang may nangyari sa Singapore kaya hindi tinapos ang bakasyon." 

"Mommy, bakit ba ayaw mong maniwala na namiss ka namin ni Venice kaya umuwi na kami?" tila nakukunsuming sabi ni Jesica sa ina. 

Inirapan lang ni Lourdes ang anak dahil hindi siya naniniwala dito. 

"Daddy, what happened to your meeting with the Almonte's?" biglang naalala ni Jesica na nakipag-usap nga pala ang mga magulang sa tiyo at tiyahin ni Vincent. 

"Sinabi na namin ang totoo sa kanila na.."

"What?! Why did you tell them?!" mabilis na napabangon si Jesica. 

"Jesie, hwag ka ngang sumigaw lalong sumasama ang pakiramdam ko." reklamo ni Lourdes sa anak. 

"Mamaya na natin pag-usapan yan, let your mom rest first. Magpahinga ka na rin muna alam kong may jet lag ka pa, ako na muna ang bahala sa mommy mo." pagtataboy ni Alejandro sa anak. Pero hindi ito tuminag sa pagkakaupo.

Dahan-dahang bumangon si Lourdes at sumadal sa headboard ng kama. Mabilis namang inalalayan ni Alejandro ang asawa na makaupo. 

"Napagkasuduan namin na hindi sila makikialam sa inyo ni Vincent at wala silang sasabihin dito pero nakikiusap sila na gusto nilang ipakilala mo sila kay Venice." paliwanag ni Lourdes sa anak.

"Mommy imposibleng hindi sila makikialam, si Vincent pa rin ang kakampihan ng mga yun." problemadong wika ni Jesica. 

"Jesie, sa ngayon ay wala pa silang magagawang hakbang dahil babalik sila sa America may mga inaasikaso rin sila doon, kaya hwag mo munang isipin yan." pampakalma ni Alejandro sa anak. 

Napabuntong hininga na lang si Jesica dahil parang nakikita na niya ang mga paparating niyang problema. 

____________________

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon