Chapter 31 part 2

81.5K 1.6K 68
                                    

Hatinggabi na ay hindi pa rin makatulog si Jesica, napakaraming gumugulo sa isip niya at hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng takot lalo na ngayong nalaman na ni Vincent ang tungkol sa anak. Tahimik na ang buong kabahayan pero heto pa rin siya sa veranda tahimik na tinatanaw ang mga bituin, umaasa na sana panaginip lang ang nangyari kanina.  

"Jessie, why are you still awake? May problema ba anak?" nagtatakang tanong ni Alejandro sa anak. 

"Daddy, ginulat mo naman ako." sabay tutop niya sa dibdib. 

"Mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo kaya hindi mo ako namalayan." sabay lapit nito kay Jesica at hinimas ang ulo ng anak, ito ang lagi niyang ginagawa noon kapag napapagalitan ni Lourdes. 

"Dad, hindi pa ba sinabi sayo ni mommy?" 

Napabuntong hininga si Alejandro. "Hindi nga ako kinakausap ng mommy mo, I tried to reconcile with her pero parang invisible ako." napapailing ito habang nagsasalita, halata rin sa tinig ng matandang lalaki ang pagsisisi. 

"Baka dapat ligawan mo siya. Gawin mo yung mga hindi mo nagawa noon." may halong panunukso ang boses ni Jesica. Ilang linggo na rin niyang napapansin na laging maagang umuuwi ang ama at sabay sabay silang nagdidinner. 

"Do I need to send her flowers and chocolates? sa tingin mo anak?" seyosong umupo si Alejandro sa tabi ni Jesica. 

"Flowers pwede dad, kaya lang kapag may chocolates baka lalong magalit si mommy. Alam mo naman na bawal sa kanya yun at iisipin niya na gusto mo na siyang mamatay." natatawa si Jesica habang pinagmamasdan ang ama. Mula ng magkaisip siya ay hindi niya natatandaan na binigyan nito ng flowers ang kanyang mommy. Sa kabila ng mga nangyayari sa kanila ni Venice ay natutuwa siya dahil nakikita niya ang effort ng kanyang ama na mabuo ulit ang pamilya nila. 

"Ang hirap naman kasing suyuin ng mommy mo." reklamo ni Alejandro. 

"Nagsisimula ka pa lang nga sumusuko ka na. Daddy, matulog ka na baka hinahanap ka na ni mommy."  pagtataboy ni Jesica sa ama, iniiwasan niya rin na usisain siya nito. 

"Jessie, something bothering you? Alam kong may problema ka, ganyan na ganyan ka tuwing napapagalitan ka ng mommy mo." 

"Daddy, hindi ako pinagalitan ni mommy. Let's go, ihahatid na kita sa room ninyo baka natatakot ka lang tumabi kay mommy."  sabay tayo ni Jesica. Hinihintay niyang sumunod ang ama sa kanya pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya. 

"Daddy!" 

"Sit down Jesica, I'm your father kaya alam ko kung may problema ka. Mula ng pinagalitan kita tungkol sa pagbubuntis mo kay Venice lumayo ka na sa akin." nanginginig ang boses ni Alejandro. Nararamdaman niya na lumayo ang loob ng anak mula ng araw na yun, kaya ngayon ay gusto niyang bumawi dito. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon