Chapter 12 part 2

90.1K 1.6K 24
                                    

Chapter 12 part 2

Gustong magwala ni Vincent ng mga sandaling yun, inis na inis siya sa kanyang sarili. Ngayon niya pinagsisisihan ang ginawa niyang pagtrato kay Jesica hindi niya alam kung paano niya makukuha ang loob nito.

“Damn!” napamura siya ng muntik ng bumangga ang minamanehong sasakyan, hindi na siya makapag-isip ng matino.  Masyado na siyang apektado sa nararamdaman niya para kay Jesica.

Pagkarating sa kanyang bahay ay pabagsak niyang inilatag ang katawan sa sofang naroroon. Hindi niya namalayan na may ibang tao siyang kasama.

“Hi sweetheart, where have you been? I was calling your mobile phone pero naka off.” Malambing na sabi ni Mia. Nilapitan pa nito ang nakahigang binata sa sofa at hinalikan sa labi, pilit na pinapalalim ni Mia ang halik na pinagkakaloob nito kay Vincent pero hindi tumutugon ang binata. Dati-rati naman ay agad na nag-iinit ang binata pero ngayon ay kakaiba ang ikinikilos nito.

“Mia, I’m tired. Paano ka nakapasok?” Bahagyang itinulak ni Vincent si Mia. Wala na syang nararamdamang kahit kaunting pagnanasa sa dalaga.

 

“Binigyan mo ako ng spare key noong huling bakasyon natin dito. What’s happening to you Vincent? Don’t tell me na talagang seryoso ka sa Jesica na yun?” sabay upo nito sa pang-isahan na upuan, hindi maipinta ang mukha nito.

“Mia, leave me alone I’m really tired. I don’t have time to argue with you.” Utos ni Vincent habang umayos sa pagkakaupo.

“Just answer me Vincent, damn it!” tumayo si Mia at hinarap si Vincent. Kung pagmamasdan ito ay handang handa sa pagsugod sa giyera.

“For your satisfaction, yes and I think I love her!” naputol na rin ang pagtitimpi ni Vincent. Kanina niya pa gustong sigawan ang kaharap.

“Napakawalang hiya mo!” lumapit si Mia kay Vincent at pinagbabayo nito ang dibdib ng lalaki.

“Stop it!” habang hinahawakan ni Vincent ang mga kamay ni Mia.

Galit nag alit si Mia ng magsalita muli. “Tandaan mo hindi ko kayo patatahimikin ng babaeng yun!” sabay talikod nito at walang lingon likod na iniwanan si Vincent.

Hindi na lamang pinansin ni Vincent ang sinabi ni Mia, alam niya lilipas din ang galit nito at makakalimutan din sya. nang tuluyan ng nawala sa paningin niya ang dalaga ay tumayo siya at tinungo ang bar kung saan nakalagay ang mga mamahalin niyang alak. Gusto niyang magpakalunod sa alak ng mga oras na yun.

Napabuntong hininga si Vincent ng maalala niya ang maamong mukha ni Jesica. Ang mukhang yun ang laging laman ng mga panaginip niya at ngayong natagpuan na niyang muli ang dalaga at sigurado na rin sya sa nararamdaman para dito ay hindi na niya muling pakakawalan ang pagkakataong ito.

“I need to talk to her; I’ll tell that I love her.” Parang sira-ulo niyang kinakausap ang sarili. Mabilis na kilos ang ginawa ni Vincent, muli niyang dinampot ang susi ng kotse niya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Muli niyang pupuntahan si Jesica. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon