Chapter 45 part 1

75.1K 1.5K 35
                                    

A.N.

Isang part ng chapter na lang po tapos na ang kwento nina Vincent at Jesica.


Maraming maraming salamat po sa lahat ng suporta ninyo ^ ^


Please don't forget to vote and leave your comments :)


______________________________________


Chapter 45 part 1

Nang makarating sina Vincent at Renzo sa hospital ay inabutan nilang tahimik na nakamata lamang si Jesica sa ama habang ang matandang lalaki ay mukhang problemado. Nginitian ni Vincent si tita Lucila na walang imik na nasa tabi ni Venice.

Bago lumapit si Vincent kay Jesica ay nagbigay galang muna siya sa ama nito. "What's going on here? May problema ba?" tanong ni Vincent kay Jesica. Nararamdaman niya na may namamagitang tensiyon sa tatlong taong inabutan.

"Wala, si daddy ang mag-aayos kung ano man ang problema." Malamig na tugon ni Jesica.

"I didn't know na okay na pala kayong dalawa. I'm happy for you Jessie, from the start I like him for you." Masayang sabi ni tita Lucila, sinadya nitong ibahin ang usapan.

"Thanks tita." Sabay kindat ni Vincent dito. "Honey, do you remember him? He's my friend, Renzo" sabay lingon ni Vincent sa kaibigang nakatayo malapit sa pintuan.

"Parang nakita ko na siya before." Pilit na iniisip ni Jesica kung saan niya nakilala si Renzo. Pamilyar sa kanya ang lalaki, biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng parang may mga nakita siyang ekesena. "Y-You were the one who..." Natutop niya ang bibiga. Naalala niya na ito ang nagbigay ng alak sa kanila ni Vincent. Ngayon niya napagtagni tagni ang mga pangyayari.

Napansin ni Alejandro ang naging reaksiyon ng anak pagkakita sa kasamang kaibigan ni Vincent. "Sa tingin ko may mga issues din kayong dapat pag-usapan but right now I want to settle first, the case of my apo." Makahulugan niyang tinitigan si Vincent. Hindi niya kayang tantiyahin kung ano ang magiging reaksiyon ni Vincent kapag nalaman kung sino ang may kagagawan sa nangyari sa anak.

"Kilala nyo po ba ang may gawa nito. I swear to God, he or she will pay for this." Nakakuyom ang mga kamao ni Vincent habang nagsasalita.

"Calm down, hindi tayo magiging maayos kung puro galit ang paiiralin natin." Kalmado na si Jesica habang nagsasalita. Kaninang nalaman niya na ang babae ng ama ang may kagagawan ng pagkakaospital ng anak ay gustong gusto na niya ng sugurin si Carmen. Mabuti na lamang ay bigla niyang naalala ang laging sinasabi ng kanyan mommy na huwag magpapadala sa emosyon tuwing magdedesisyon. Kailangang pag-isipang mabuti para kung anuman ang maging resulta ng nagawang desisyon ay hindi pagsisisihan sa bandang huli.

"Vincent, I'm sorry it's my fault." May pagpapakumbaba sa tinig ni Alejandro.

Napakunot ang noo ni Vincent hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Alejandro.

"Daddy, don't blame yourself it wont help us. Hindi mo rin naman gustong mangyari it okay Venice alam kong mahal na mahal mo siya." Sansala ni Jesica sa ama.

"Damn that woman! Masyado akong nabulag sa ipinakita niyang kabaitan sa akin, hindi ko akalain na kaya niyang gawin ito sa apo ko para pahirapan ako. Kayo ang magdesisyon kung ano ang gusto ninyong mangyari kay Carmen." Galit din ang masasalamin sa boses ni Alejandro.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon