Chapter 39 part 2

81.4K 1.6K 49
                                    

Chapter 39 part 2

Nang tuluyan ng makalayo si Vincent ay hinayaan na ni Jesica na makawala ang totoong nararamdaman ng mga sandaling yun. Nag-uunahang pumatak ang kanyang mga luha habang malungkot na tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Vincent. Bigla siyang napayuko ng may nag-abot sa kanya ng tissue.

“Salamat Nana Aning.” Sabay abot niya hawak nitong tissue.

Malungkot na tinitigan ni Nana Aning ang dating alaga bago umupo sa tabi nito. “Magmula ng dumating ka galing sa Amerika, hindi na tayo nakapagkwentuhan.”

  

“Sorry Nana, masyado lang akong naging busy. Alam naman ninyo ang pinagdadaanan ko ngayon.”

“Naiintidihan ko anak, at nasasaktan din ako na nakikita kang ganyan.” May pag-aalala sa tinig ng matanda.

Nang hindi kumibo si Jesica ay nagpatuloy sa pagsasalita si Nana Aning. “Ayaw ko sanang manghimasok kaya lang itinuring na rin kitang para anak…. Alam ko na noong kabataan mo ay malaki ang pagkakagusto mo kay Vincent ang ipinagtataka ko lang kung bakit hindi mo siya matanggap ngayon?”

“Masyado pong kumplikado ang sitwasyon namin ni Vincent.”

“Nakikita ko sa batang yun na seryoso siya. Sa totoo lang pinababantayan sa akin ng mommy mo si Vincent tuwing pumupunta dito. Gusto niyang makasiguro na hindi na niya muling masasaktan.” Pagtatapat ni Nana Aning.

“Nana, nagpupunta lang naman siya dito dahil kay Venice.” Mahinang tugon ni Jesica.

 

“Hindi ganun ang nakikita ko kay Vincent.   May sasabihin ako sayo pero gusto ko sagutin mo ng tapat ang itatanong ko sayo.”

Napailing si Jesica, hindi pa rin nagbabago ang matanda ramdam niya rin ang pag-aalala nito sa kanya.

“I’ll try my best na masagot kayo ng maayos.” Nakangiti si Jesica habang nagsasalita pero kitang kita sa mga mata niya ang paghihirap.

“Mahal mo ba si Vincent?” Walang pag-aalinlangan na tanong ng matanda.

“Nana! ano ba naman klaseng tanong yan.” Ramdam ni Jesica na biglang nag-init ang pisngi niya.

 

“Kung hindi mo kayang sagutin, okay lang. Pero alam mo para sa akin mahal ka ng lokong lalaking yun.”

 

“Huh? How did you say that? Hindi niyo naman siya nakakausap. Ang sinasabi ninyo ay base lang sa mga observations ninyo sa kanya.” Ayaw paasahin ni Jesica ang sarili dahil alam niya na siya na naman ang masasaktan sa bandang huli.

 

“Masyado ka kasing naging focus sa problema mo, hindi ka humanap o gumawa ng solusyon para matapos na ang paghihirap mo.”

Napakunot ang noo ni Jesica. “What do you mean Nana?”

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon