Chapter 45 part 2

78K 1.5K 75
                                    

A.N.

Next part natin happy moments na :)

Maraming maraming salamat sa pagsubaybay ninyo sa story nina Vincent at Jesica ^ ^


__________________


Chapter 45 part 2

Kahit tatlong araw ng nakalabas ng hospital si Venice ay hindi pa rin umaalis sa tabi ng anak si Jesica, parang nagkatrauma na siya sa nangyari. Pinaubaya na niya kay Vincent at sa kanyang daddy ang tungkol kay Carmen, nakakuha sila ng ebidensiya at witnesses na nagtuturo na ang dating kinakasama ng kanyang daddy ang talagang may kagagawan kung bakit naisugod sa hospital si Venice.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Jesica ng makarinig ng mahihinang katok. Bago niya binuksan ang pinto ay muling tinitigan si Venice na payapang natutulog, hanggang ngayon ay nasa recovery stage pa rin ang bata.  "Nana Aning, bakit po?"

 

 

"Nasa baba ang kaibigan mo gusto daw makita si Venice. Paaakyatin ko ba dito?.."  Hindi pa natatapos magsalita si Nana Aning ng biglang sumulpot sa likod niya si Toffer. Mabilis na siyang tumalikod matagal ng magkaibigan ang dalawa kaya tiwala siya sa binata.

 

"Hi, Jessie!" Masiglang bati ni Toffer.

 

"Saang lupalop ka nanggaling bakit ngayon ka lang nagpakita?" May bahid pagtatampo ang boses ni Jesica.  

 

 

"Where's my inaanak?" dire-diretsong pumasok si Toffer sa kwarto ni Venice. Hindi na niya pinansin ang tanong ni Jesica, kanina lamang niya nalaman ang nangyari kay Venice kaya kahit wala pa siyang pahinga ay nagtuloy na siya sa mansiyon ng mga Tenorio para alamin ang kalagayan ng bata.

 

"Naku, Christoffer maghunos dili ka nga diyan. Okay na si Venice." Naiiling na sabi ni Jesica.

Nakahinga ng maluwag si Toffer. Totoong napamahal na siya sa anak ng kaibigan kaya ganun na lamang ang kanyang pag-aalala para dito. "Si Emer papunta na rin dito." Pag- imporma niya sa kaibigan.

 

"Ang alam ko delikado na para sa kanya ang pagbiyahe. Tatawagan ko siya para hindi na tumuloy." Mabilis na tinungo ni Jesica ang kinalalagyan ng telepono.

"Hayaan mo na, gustong mamasyal ng tao." Saway ni Toffer at ibinaba niya ang hawak na telepono ni Jesica.

"Bakit ang tagal mong walang paramdam? Where have you been?" Pangungulit ni Jesica. Umupo siya sa kama ng anak habang si Toffer ay nakasalampak sa sofa.

"Alam mo naman na maselan ang pagbubuntis ni Emer kaya ako muna ang namahala sa negosyo niya. Kadarating ko lang from Malaysia magkakaroon na rin siya ng branch doon." Pagkukwento ni Toffer.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon