Chapter 6 part 1

100K 1.7K 38
                                    

Chapter 6 part 1

Mabilis na lumipas ang mga taon, namalayan na lamang ni Jesica na magdadalawang taon na pala ang anak.  Ang laki ng pasasalamat niya ng hindi na umalis sa tabi niya ang kanyang ina at hanggang ngayon ay patuloy na tinutulungan siya nito sa pagpapalaki sa anak. Ang kanyang ama ay hindi rin huminto sa pagbibigay ng financial support sa kanila pero hanggang ngayon ay walang kaalam alam ito na may dalawang taon gulang na itong apo. 

"Tulala ka na naman! Kanina pa ako kumakatok at mabuti na lang nakabukas ang front door." reklamo ni Emer ng abutan ang kaibigan na nakaupo sa sala. 

 

Lumipat ng ibang bahay ang mag-ina mula ng magpasya si Lourdes na manirahan doon hanggang makapagtapos ng masters degree si Jesica. At unang kita pa lamang nito sa apo ay giliw na giliw na siya dito.

"Oh, sorry I didn't hear you." hinging paumanhin ni Jesica.

"You can't hear me because your busy with your own world. Ano na naman ba ang iniisip mo?"

"Where's Toffer? Akala ko sasama siya atin." pag-iiba ni Jesica ng usapan.

"Busy ang bakla, ang dami naming project ngayon. Mabuti nga pinayagan ako ng boss namin na mag day off ngayon, but he has something for Venice."   mabilis na nilabas ni Emer ang regalo na nasa loob ng kanyang overnight bag. 

Tuwing binibisita niya ang kaibigan ay hindi na siya pinapauwi ng mommy nito kaya talagang nagdala na siya ng extrang damit. At gusto rin niyang makipaglaro kay Venice.

Natutuwa si Jesica sa mga kaibigan dahil kahit na mayaman ang mga ito ay kumuha pa rin sila ng part time job. Isinantabi muna ng mga ito ang karangyaan na nakasanayan sa Pilipinas.

"Sunduin muna natin sina mommy." sabay tayo ni Jesica.

"Oo nga pala, hindi ko nararamdaman ang kakulitan ng inaanak ko. Where are they?" nakangiting sabi ni Emer. Tuwing naalala niya si Venice ay hindi niya maiwasang mangiti, kahit sino naman kasi ay maaaliw sa pagiging bibo.

"Nasa supermarket may be right they're waiting for us." nauna ng lumabas si Jesica. 

Nang mga sadaling yun ay masayang pinapanood ni Lourdes ang apo habang tumatakbo sa aisle ng supermarket, hindi niya akalain na ang batang ito ang pupuno ng kalungkutan nilang mag-ina dahil sa ginawang kalokohan ng asawa. 

"Lola! I like this." pabulol na sigaw ni Venice habang palapit ito sa kanya. Yakap yakap nito ang isang malaking kahon ng tsokolate.

"I think we have to ask permision to your mama." Niyuko ni Lourdes ang apo at inabot ang isang kahong tsokolate na hawak nito. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon