Chapter 9 part 2

92.5K 1.6K 22
                                    

Chapter 9 part 2

Nang marinig ni Lucila ang mga nangyari ay niyakap niya ang pamangkin. Damang dama nito ang pahihirap ni Jesica.

 

“Bakit hindi ninyo sinabi sa amin? Sana pinaimbestigahan natin ang mga nangyari.” May pagtatampo sa tinig nito.

“Ayaw na po namin na idamay pa kayo sa mga problema.” Umiiyak pa rin si Jesica.

“Hija, we’re family. Minsan nakakapagsalita ako ng hindi maganda but at end of the day I’m always on your side.” Hinawakan nito ang mga pisngi ng pamangkin sabay pahid sa mga luha.

 

“Thank you tita for your understanding.” Niyakap niya ng mahigpit ang tiyahin.

 

“It was a long day, magpahinga na tayo.” Nauna na itong tumayo. Lalong lumalim ang galit niya sa bayaw dahil kung hindi ito nagloko ay hindi ito mangyayari sa pamangkin.

Nang maihatid ni Jesica ang tiyahin sa guest room ay sinilip muna niya si Venice, payapa ng natutulog ang anak. Dumiretso siya sa kwarto ng ina dahil may mahalaga siyang ipapakiusap dito.

“Mommy, are you still awake?” marahang katok ni Jesica, ayaw na sana niyang istorbohin ang ina pero hindi matatahimik ang kalooban niya. Dahan dahan niyang pinihit ang seradura, mabuti na lamang ay hindi naka lock.

“Jesie, kumusta ang pag-uusap ninyo ng tita Lucila mo?” may pag-aalala sa boses ni Lourdes. Itinabi na muna niya ang binabasang libro.

Umupo sa gilid ng kama si Jesica.  “I told her everything, pero hindi ang tungkol kay Vincent.”

Nakahinga ng maluwag si Lourdes. “Akala ko sasabihin mo sa kanya ang tungkol sa lalaking yun. Alam mo naman ang tita mo may dugo ni Gabriela Silang, siguradong susugod sa mga Almonte yan.”

“Kaya nga po hindi ko sinabi mommy. I got scared sa mga maaaring gawin ni tita.”

Nakakaunawang tinitigan na lang ni Lourdes ang anak.

Mommy, kailangan na ninyong bumalik ni Venice sa Pilipinas as soon as possible.” Patuloy ni Jesica.

 

“Huh? Bakit?”  nagtatakang tanong ni Lourdes. Umayos pa ito ng pagkakaupo .

“Nagkita kami ni Vincent kanina sa airport and he insisted to drive me home.”

“May ginawa ba siya sayo?” nag-aalala na ito para sa anak.

Umiling si Jesica. “Mommy, ang kinatatakot ko ay baka malaman niya ang tungkol kay Venice. Ayokong makipagsapalaran sa mga pwedeng mangyayari lalo na ngayong alam na niya kung nasaan ako nakatira.”

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon