Chapter 46 part 2

82.5K 1.8K 45
                                    

A.N.

Yeeeyy!! Epilogue na po ang kasunod. ^___^

Maraming salamat sa pagtitiyaga ninyo na maghintay sa mga updates ko :)

Mamimiss ko sina Vincent at Jesica.. hehehehe

_______________________________



Chapter 46 part 2



Pagkatapos makipag-usap nina Vincent at Jesica kay Carmen ay nagmamadali silang umuwi dahil nangako sila sa anak na ipapasyal nila ito.



"Papa! Papa!" sumisigaw na salubong ni Venice ng makitang parating ang mga magulang.



"How's my baby?" Malambing na tanong ni Vincent sa bata sabay karga sa anak.



Napapangiti si Jesica habang pinagmamasdan niya ang mag-ama niya. Wala talaga dapat siyang pagsisihan sa mga nangyari sa kanila ni Vincent dahil ang pagkakamaling naganap noon ay naging daan para maging masaya siya ngayon.



"I ate my lunch mama and I took my medicines." Pagbibida ni Venice.



Bago umalis si Jesica kanina ay kabilin bilinan niya sa anak na inumin ang gamot dahil kung hindi ay hindi matutuloy ang pamamasyal nila. Kaya naman ngayon ay ito ang bungad sa kanya.

 



"Naku ma'am Jessie pagkaalis na pagkaalis nyo kanina kinukulit na niya ako na painumin na siya ng gamot." Reklamo ng yaya ni Venice. Magmula ng mangyari ang trahedya sa bata ay hindi na ito umaalis sa tabi ng alaga. Takot na takot siya noon na baka palayasin siya ng mga Tenorio.



Natawa sila ni Vincent sa sumbong ni Lena. Alam nilang excited ang anak dahil ito ang unang araw na mamamasyal silang magkakasama. Kahit masama ang pakiramdam niya ngayon ay hindi niya kayang sirain ang kaligayahan ng anak.



"Nakahanda na ba ang mga dadalhin natin?" Nakangiting tanong ni Jesica kay Lena.  Kahit siya ay excited sa lakad nila pero hindi niya pinapahalata kay Vincent, hanggang ngayon ay medyo ilag pa rin siya sa presensiya ng binata.


"Yes ma'am.  Kanina pa inayos ni Nana Aning." Alistong sagot ni Lena sa amo.



"Kung ready na ang lahat, then let's go!" masiglang sabi ni Vincent bago ibinaba si Venice.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon