Chapter 29 part 1

78.9K 1.7K 76
                                    

Chapter 29 part 1

Nanghihina napasandal si Jesica ng tuluyan ng makapasok sa taxi. Sa wakas ay nakayanan niyang iparating ang katotohanan kay Vincent, ito rin ang gustong mangyari ng mga magulang. Kitang kita niya kanina ang galit sa mukha ni Vincent ng sabihin niya na anak nito si Venice. Para sa kanya ay walang karapatang magalit ang lalaki dahil sa ginawa nitong pagtrato sa kanya. 

"Ma'am, mukhang may sumusunod po sa atin. Kilala nyo po ba ang sakay niyang itim na SUV ." kabadong sabi ng driver ng sinasakyan niyang taxi.

"Huh?" mabilis na nilingon ni Jesica ang sasakyan na halos nakadikit na sa kanila, nagkataon pa naman na traffic kaya hindi ito mahihirapang sumunod. "Don't worry manong, kilala ko ang sakay niyan." malumanay na tugon niya ng masigurong sasakyan ni Vincent ang bumubuntot sa kanila. Napapailing na lamang siya dahil hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ni Vincent ngayon. 

Samantalang si Vincent naman ay nagngingitngit ng mga oras na yun, ang daming niyang sinayang na pagkakataon para makasama ang anak. Kung nagpumilit lamang sana siya noong magkita sila ni Jesica sa airport baka ng araw na yun ay nalaman na rin niya ang tungkol kay Venice. Ang daming sana, ang gumugulo sa isipan niya. 

"Damn you Jesica!" hampas ni Vincent sa manibela. "Ilang taon ang ninakaw mo sa amin ng anak natin.."  masamang nakatingin ito sa taxi na nasa harapan habang nagsasalita. Hindi pa nakontento ay inabot niya ang cellphone na nakapatong sa dashboard. 

Nagulat si Jesica ng marinig ang nag-iingay na telepono agad-agad niyang binuksan ang handbag at ng makita niya kung sino ang tumatawag ay nadismaya siya. "What do you want?" malamig niyang tanong dito. 

"Bumaba ka ngayon sa taxi na yan! nasa likod lang ako." utos ni Vincent.

"Please Vincent, I don't want to argue hayaan mo muna ako." 

"Get off to that damn taxi! o gusto mong gamitan pa kita ng lakas." may pagbabanta na sa boses nito. 

"Manong, bababa na ako but don't worry dodoblehin ko po ang bayad ko." napangisi si Vincent ng marinig ang sinabi ni Jesica sa driver. Kailangan lang pala nitong takutin para sundin siya. 

Kitang kita niya ang pagmamadaling pagbaba ni Jesica sa taxi. Mabuti na lamang ay halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan, kaya walang kahirap hirap ito na makalipat sa sasakyan niya. 

Padabog na isinara ni Jesica ang pinto ng kotse niya sabay irap sa kanya. "Ano na naman ang gusto mong palabasin Mr. Almonte?" sarcastic na tanong ni Jesica. 

"Gusto kong pag-usapan ang sitwasyon natin para...." 

"Wala tayong dapat pag-usapan Vincent, hindi naman kita inoobliga na gampanan mo ang pagiging ama sa anak ko." dire-diretsong sabi ni Jesica. Kung noon ay naging mahina siya sa harap ni Vincent pero ngayon ipinangako niya sa sarili na hindi na niya hahayaan na mangyari muli ito. Handa niyang ipaglaban ang anak kahit sa anong paraan. 

"ANAK natin Jesica! huwag mong solohin si Venice." nanggigigil na hampas ni Vincent sa manibela. "Gusto kong ipakilala mo ako sa kanya." sabay baling nito kay Jesica.

"Vincent, hayaan mo na lang kami. Hindi naman ako maghahabol sa kayamanan ninyo." pagsusumamo ni Jesica.

"I know  you're not interested with my money, I want to claim my rights as our daugther's father. Kung hindi mo gagawin ang gusto ko mapipilitan akong gamitin ang aking impluwensiya." pananakot ni Vincent. "Alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin." 

Napapikit si Jesica, dumating na ang kinatatakutan niya ang agawin sa kanya ang custody ng anak. "Give me few days at para maihanda ko rin si Venice." 

"No!, ang tagal mong itinago sa akin ang bata dapat handa ka na sa ganitong pagkakataon." mariing tanggi ni Vincent. Ayaw na niyang palampasin ang pagkakataong ito. 

Nanahimik na lamang si Jesica ayaw na muna niyang makipagtalo kay Vincent, kailangan niyang mag-isip kung paano malalampasan ang mga kahaharaping mga problema. 

Napansin ni Vincent ang pananahimik ni Jesica at ng lingunin niya ito ay may awang humaplos sa kanyang puso. Habang sinusundan niya kanina ito ay naisip na niya na hindi ganun kadali ang magpalaki ng isang bata. "Gusto kong makita si Venice." may pakiusap na sa tinig niya ng muling magsalita. 

"Please hayaan mo na lang si Venice, I'm sure kapag ikinasal kayo ni Mia magkakaroon din kayo ng mga anak." umaasa pa rin si Jesica na makumbinsi niya ang binata na hwag ng manghimasok sa buhay nilang mag-ina. 

"Sa tingin mo sa nalaman ko ngayon pakakasalan ko pa siya?" 

Nanlaki ang mga mata ni Jesica sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya mas pinili na lang niya ang manahimik. Laking pasasalamat niya ng hindi na muling kumibo si Vincent at itinuon na lamag nito ang atensiyon sa pagmamaneho. Namalayan na lamang niya na nasa tapat na pala sila ng bahay nila ng bumusina si Vincent. 

"Ma'am kanina pa po naghihintay si sir Toffer ang sabi niya may usapan daw po kayo ngayon." salubong ng isa sa mga kasambahay sa kanya ng tuluyan na siyang makababa sa sasakyan ni Vincent. Hindi na niya hinintay na alalayan pa siya nito sa pagbaba.

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Vincent ang sinabi ng katulong ng mga Tenorio. "Pakisabi sa Toffer na yun na hindi sasama sa kanya ang ma'am Jesica mo." mabilis sabad niya.

"Vincent, our appointment is very important. Magtatayo ako ng branch ng restaurant sa Quezon City kaya kailangan naming kausapin ang engineer na hahawak sa construction." malumanay na paliwanag ni Jesica habang magkaagapay silang naglalakad papasok sa main door. 

"Ako ang sasama sayo at hindi kung sino sino lang." may pinalidad sa tinig nito. 

Hindi na lamang kumibo si Jesica dahil naagaw ng pansin niya ang ina na naghihintay sa kanya. Kitang kita niya ang pagtataka sa mukha nito dahil magkasama silang dumating ni Vincent.

__________________________

A.N.

Happy reading :)

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon