Chapter 30 part 2

80.9K 1.7K 101
                                    

Chapter 30 part 2

Nahihirapan din si Jesica ng mga sandaling yun nagtatalo ang puso’t isipan niya. Gusto niyang hindi tumupad sa usapan nila ni Vincent pero ayaw naman niyang maging makasarili at sigurado na ang anak ang maapektuhan.

“Sweetie, let’s go inside and mama will tell you something. alanganing ngiti ang binigay sa anak.

Panay ang tingin ni Venice sa nakatayong bisita ng kanyang mama. “Huh! I know him!

“Really? You know me? masuyong nilapitan ni Vincent ang anak sabay haplos nito sa buhok.

“I saw you at the wedding and you were mad at my mom. Biglang simangot nito kay Vincent.

Napailing si Jesica, mukhang namana ng anak ang kasungitan niya. Kailangan muna niyang makausap ng masinsinan si Venice para maintindihan nito ang sitwasyon nila at kung ano ang katayuan nilang mag-ina sa buhay ni Vincent. Ayaw niyang dumating ang araw na magdemand ang bata ng time ng ama at ayaw din niyang dumating sa puntong napipilitan na lang si Vincent na gampanan ang tungkulin nito bilang ama.

 

“Venice, he wasn’t mad at me. Come here sweetie we’ll talk first. Sabay karga nito sa anak. “Kakausapin ko muna ang bata. Baling ni Jesica kay Vincent.

Tumango na lamang si Vincent bilang pagsang-ayon. Hindi siya aalis sa mansion ng mga Tenorio hangga’t hindi siya ipinapakilala sa kanyang anak.

Dinala ni Jesica ang anak sa playroom nito para maaliwalas ang paligid ng bata at agad na maiintindihan ang sitwasyon na ipagtatapat niya. Matagal na pinagmasdan ni Jesica ang anak, hindi niya alam kung paano sisimulan.

“Mama, are you okay? tumabi pa si Venice sa couch na inuupuan ng ina.

Marahang tumango si Jesica at niyakap ang anak, pinipigilan niya ang pagtulo ng luha. “Venice, do you want to see your papa? hawak niya ang dalawang pisngi nito habang masuyong hinihimas.

“Opo, but if he’s busy it’s okay I can wait. Mabilis na tugon ng bata.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon