Chapter 32 part 1

80K 1.7K 82
                                    

Chapter 32 part 1

Maagang umalis si Lourdes at walang nakakaalam kung saan siya pupunta. Ayaw na niyang magkaroon ng argumento kung ipapaalam pa niya ang mga plano sa mag-ama niya. Papasok pa lamang siya sa restaurant ay natatanaw na niya ang taong sadya, umaasa siya na ito ang makakatulong sa kanya para malaman nila ang totoong nararamdaman ni Vincent kay Jesica.

“Franco hijo, I’m sorry late ako.” Nakangiting bungad ni Lourdes.

“It’s alright tita. I just finished preparing our breakfast.” Mabilis na tumayo ang gwapong binata at humalik sa pisngi ng bagong dating.

Tiningnan ni Lourdes ang mga pagkaing  nakahain sabay ngiti kay Franco. Halos paborito niya ang mga inihanda nito. “You’re so sweet hijo, hindi naman ako magtatagal dahil baka hanapin ako ng tito Alejandro mo.”

“Ang mabuti po kumain na tayo habang pinag-uusapan ang proposal ninyo.” Ang buong akala ni Franco ng makatanggap ng tawag sa ina ng kaibigan ay may business proposal ito para sa kanya.

“I will be frank with you Franco because I don’t want to waste your time.” Simula ni Lourdes habang matamang tinititigan ang binata. “I need your help, right now we have problem and I know that you’re the right person who can help us.”  

 

 

“Tita, you know that I’m always willing to help you. Since noong naging magkaibigan kami ni Jesica parang second mom na kita.” Ginagap ni Franco ang mga kamay ng matandang babae na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

“Thank you so much hijo.”

“Ano po ba ang maitutulong ko?” tanong ni Franco habang pinaglalagay ng pagkain sa pinggan si Lourdes.

Matagal bago nakapagsalita si Lourdes, tinitimbang niya ang sitwasyon. “Gusto kong ligawan mo si Jesica.” Pigil hiningang sambit nito.

Muntik ng mabitawan ni Franco ang hawak na pinggan ng marinig ang sinabi ni Lourdes.

“Tita, parang kapatid ko na si Jesica. Ang hirap ng pinapagawa ninyo.” Reklamo ni Franco sabay kamot ng ulo.  

Biglang nalungkot si Lourdes, kung hindi niya mapapapayag si Franco ay masisira ang unang plano niya. Kailangan niyang mag-isip ng susunod na hakbang para matulungan ang anak.

Nahiya naman si Franco ng biglang natahimik ang itinuturing niyang pangalawang ina. “Tita, may I know your reason? Baka kapag narinig ko ay pumayag ako.”

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon