Chapter 21 part 1

79.8K 1.6K 44
                                    

Chapter 21 part 1

“Mama where are we going?” excited na tanong ni Venice, habang nakatanaw sa bintana at tuwang tuwa sa mga luntiang nadadaraanan nila.

Maaga pa lamang ay nagbibiyahe na silang mag-ina dahil hindi kabisado ni Jesica ang daan papuntang San Simon kung saan gaganapin ang grand wedding ng kaibigan. Ayaw niyang abutan sila ng dilim sa daan lalo na kasama niya ang anak.

 

“We’re going to your tita Emer’s place, tomorrow it’s her wedding day.” Nakangiting baling ni Jesica sa anak na nakaupo sa passenger seat.

“Wow! Tomorrow I’m gonna wear my gown.” Pumapalakpak pa na wika ng bata.

Natawa na lamang si Jesica sa reaksiyon ng anak. Tuwing masaya ang anak ay gumagaan ang pakiramdam niya at panandalian niyang nakakalimutan ang mga problema.

 

“How about you mama?”

Nilingon ni Jesica ang anak, hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. At ng malingunan si Venice ay seryoso itong nakatingin sa kanya. “What about me?”  Balik tanong ni Jesica dito nagconcentrate na sa pagmamaneho.

 

“When is your wedding day?” inosenteng tanong nito.

Biglang natapakan ni Jesica ang preno ng marinig ang tanong ng anak. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa murang isip nito ang sitwasyon niya.

Sweetie, we’re still looking for your dad…”

“But tito Dennis told me he knows where is my dad.” Protesta ng bata.

Napabuntong hininga na lamang si Jesica at muling pinaandar ang sasakyan bago muling nagsalita. “When you grow up you’ll understand it.”

 

“Lola always saying that, I hope I’ll grow up soon so I’ll understand everything.” Nakasimangot na tugon nito.

Mama..” muling agaw ni Venice sa atensiyon ni Jesica.

 

“Hhmm” malambing na tugon ni Jesica.

“I want to see my dad please.” Nagsusumamo ang tinig nito.

Matagal na hindi nakasagot si Jesica. Naisip niya na mahirap din palang magkaroon ng matalinong anak dahil sa edad nito ay nahihirapan na silang paniwalain sa mga bagay bagay tungkol sa ama nito.

“You’ll see him soon sweetie.” Tanging nasabi na lamang niya para tumigil na ito sa pangungulit.

‘Yeheeeyy! I love you mama.” Pumapalakpak ito sa katuwaan.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon